Lalaki, 'di nagsu-sustento sa anak na may sakit! Pinagtaguan pa daw si babae

Lalaki, 'di nagsu-sustento sa anak na may sakit! Pinagtaguan pa daw si babae

-Nagkaroon ng mainit na sagutan sa programang Wanted sa Radyo ang dating mag-biyenan

-Sabi ng complainant, hindi na nagsu-sustento ang kanyang dating kinakasama sa kanilang anak na may sakit pa

-Nang makausap naman ang nanay nito, sinabing sinungaling si babae at bastos din daw ito kaya hindi na kinakausap ng kanyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Simula daw noong October hindi na nagpadala pa ng sustento ang kanyang dating kinakasama para sa kanilang anak.

Kaya naman dumulog na si Krisha delos Reyes sa programang Wanted sa Radyo upang humingi ng tulong na makausap ang ex niya na si Roberto Flora.

May iba na rin daw kasing pamilya ang lalaki at hindi na rin daw ito nakikipag-komunikasyon sa kanya.

Itinatago na rin daw ito sa kanya ng pamilya nito.

Sinubukan ng programa na tawagan si Flora ngunit hindi ito sumasagot. Sa halip ay ang ina nito na si Minda Flora ang nakausap ng programa at ni Krisha.

Depensa ni Minda, hindi nila itinatago ang anak at kusa itong nagtatago kay Krisha dahil umano sa pang-eeskandalo nito sa lalaki.

Hindi na rin daw kasi ipinapahiram sa kanila ang kanyang apo ni Krisha.

Sabi pa ni Minda, minura daw siya ni Krisha na labis na ikinasama ng loob niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagkaroon ng mainit na sagutan sa pagitan ng dalawa.

Giit ni Krisha, kaya lamang niya nagawang murahin si Minda ay dahil daw sa labis na sakit na kanyang naramdaman.

Kaya lamang din daw niya nasugod ang dating kinakasama ay dahil sa pambababae nito.

Bagamat hindi nagkasundo ang dalawa at hindi rin nahingian ng panig si Roberto, ipinangako naman ni Minda na magtutuloy-tuloy na ang sustento ng anak para sa anak nito kay Krisha.

Ngunit hindi napanatag dito si Krisha at humingi ng tulong sa programa upang masiguro na hindi lamang pangako ang sustentong hinihingi sa kanyang ex.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter

Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel