28 anyos na babaeng wala raw sa katinuan, ginahasa umano ng limang menor de edad

28 anyos na babaeng wala raw sa katinuan, ginahasa umano ng limang menor de edad

- Arestado ang limang binatilyo na may edad 14 hanggang 16 sa kasong panggagahasa sa isang 28 anyos na babaeng may sakit sa pag-iisip

- Depensa pa ng mga suspek na sila umano ang inaya ng biktima sa kubo kung saan naganap ang panghahalay

- Pansamantalang inilagak ang limang binatilyo sa DSWD upang sumailalim sa counselling

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inakusahan ng panggagahasa ang limang binatilyo sa isang 28 anyos na babaeng wala raw sa katinuan na taga Laoag, Ilocos Norte.

Ayon sa GMA news, nagsagawa ng follow up operations ang awtoridad at nadakip ang limang tinuturong suspek na may edad 14 hanggang 16 taong gulang.

Kapitbahay lamang uumano ng mga suspek ang biktima.

Paliwanag ng mga binatilyo, sila ang inaya ng babae sa isang kubo gamit ang love letter at pera na may halagang ₱100.

Sumailalim sa medical examination ang biktima at positibong ito ay nagalaw.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Haharap sa kasong rape ang tinuturong suspek sa piskalya kahit pa ito'y nasa pangangalaga na muna ng social welfare department ng kanilang lugar.

Bibigyan ng ilang psychological examinations ang mga binatilyo at dadaan din sila sa counselling.

Sa bagong batas patungkol sa pagsasampa ng kaso sa mga kagaya nila ng edad, maari rin silang maipadala sa Bahay Pag-asa para sa kanilang rehabilitasyon. Maituturing kasing mabigat na kaso ang ipinataw sa kanila.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity

Source: Kami.com.ph

Related news
Magkapatid, natagpuang magkayakap ang bangkay sa nasunog na bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel