Turista, binigay ang ₱1.2 million niyang retirement pay sa ospital sa Coron

Turista, binigay ang ₱1.2 million niyang retirement pay sa ospital sa Coron

- Buong pusong binigay ng Canadian tourist na si John Abou Samra ang kanyang retirement pay sa isang ospital sa Pilipinas

- Gagamitin sana niya ang pera sa kanyang 'trip around the world' ngunit dahil sa kabutihan ng mga taga-ospital na pinagdalhan sa kanya nang minsan siyang bumisita sa Pinas, dito na lamang niya ito ibibigay

- Humanga raw kasi ang turista sa kabutihan ng mga Pinoy na likas na magalang, maalaga at matulungin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di nagdalawang isip ang Canadian tourist na si John Abou Samra na i-donate ang malaking halaga ng kanyang pera sa isang ospital dito sa Pilipinas.

Ayon sa TFC Balitang America, nagbakasyon umano si John sa bansa partikular na sa Palawan. Maituturing nga niya itong "vacation of the year" ngunit isang aksidente ang naganap.

Nang magpakuha siya ng larawan nang siya ay nasa Coron, biglang nasira ang kahoy ng kanyang kinatatayuan dahilan upang mahulog ang kanyang hita hanggang pigi.

Di naman nagtamo ng sugat si John ngunit puro pasa ang kanyang hita. Agad naman siyang dinala sa Coron District Hospital.

Sa sinagawang x-ray, wala namang nakitang anumang bali si Dr. Edgar Flores ngunit nagbigay pa rin ito ng lunas sa nabugbog na hita sa pagkakahulog.

Labis na natuwa si John sa pagiging magalang at maalaga ng mga doktor at nurses doon na likas naman talaga sa mga Pilipino.

Namangha siya na bagamanwala sa ayos ang kanyang itsura noon, 'sir' parin ang ;aging tawag sa kanya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Two nurses took care of me the way I could not imagine, plus in the half an hour I stayed in the hospital, I heard the word ‘sir’ more than 25 times. Even when I was wearing something very casual; I looked like a homeless person, they never stopped calling me sir," kwento ni John.

Sa labis na pagkagiliw sa kabaitan ng mga Pinoy sa ospital, tinanong niya ang doktor kung paano siya makakatulong.

Tinuro lamang nito ang maliit na donation box, ngunit iba ang naisip ni John.

Isang bus driver sa Canada si John at malapit na siyang magretiro. Kaya naman naisipan niyang ikansela ang balak niya sanang trip around the world upang magdonate ng mga medical equipment sa Coron District Hospital.

Bumalik pa muli talaga ng Pilipinas si John upang siya mismo ang makakita ng mga biniling kagamitan para sa ospital na nagpakita ng kabutihan sa kanya.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak ni Pokwang, pinabilib ang netizens sa piniling pagkain na hinain sa kanya

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel