Sanggol, umiiyak habang gumagapang sa gilid ng ginagawang kalsada

Sanggol, umiiyak habang gumagapang sa gilid ng ginagawang kalsada

- Umiiyak na gumagapang ang isang sanggol sa gilid ng kalsada

- Nabahala ang ilang motorista na nakakita sa sanggol dahil sa malapit na ito sa mga tipak ng bato dahil sa ginagawang kalsada

- Di nakatiis ang isang babae at nilapitan ang hinihinalang kasama ng sanggol

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa kahabaan ng McArthur highway sa bahagi ng Malolos, Bulacan ang isang sanggol na umiiyak habang gumagapang.

Ayon sa GMA balitambayan, labis na nag-alala ang ilang motorista na nakakita sa bata dahil sa malapit na ito sa mga tipak ng bato sa gilid ng kalsada.

Kasalukuyang ginagawa ang daan doon kaya naman labis na delikado para sa gumagapang na bata ang kanyang ginagawa.

Kapansin-pansin din daw ang isang babae na nakatalukbong ng kumot sa gilid din ng kalsada.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maya maya pa, may nagmalasakit na isang babae na hanapin ang kasama ng sanggol at tinanong ang nakatalukbong kung kaano-ano nito ang sanggol.

Di na nabanggit sa ulat kung kamag-anak nga ba ng bata ang nakatalukbong na babaeng ito.

Samantala, ipinagbigay alam pa rin ng GMA news ang naturang insidente sa Bulacan Provincial Social Worker Development Office upang mabigyan ng kaukulang pansin ang maaring peligro na mangyari sa kapabayaan sa bata.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Another story of infidelity earns viral thrashing

Man who chose new lover over his family earns online backlash

Man who chose new lover over his family earns online backlash
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel