15 anyos, pinagsasaksak di umano ang isang grade 11 matapos matalo nito sa suntukan

15 anyos, pinagsasaksak di umano ang isang grade 11 matapos matalo nito sa suntukan

- Isang 15 anyos na minor ang inakusahan ng pananaksak sa isang 16 anyos na Grade 11 student sa Malabon noong Linggo, Pebrero 3

- Natalo raw sa naunang away ang suspek na siyang ikinagalit niya sa biktima

- Inaya raw ng suspek si alias "Tambol" sa round 2 ng kanilang away at dito na pinagsasaksak ang biktima

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nauwi sa pananaksak ang away ng isang Grade 11 na estudyante alias "Tambol" at ng tinuturong suspek na 15 taong gulang lamang.

Ayon sa Inquirer, naganap ang krimen matapos matalo ang suspek sa suntukan nila ng biktima bandang alas onse ng gabi noong Linggo, Enero 3.

Pauwi na sana ang mga nagsuntukan nang naghamon pa umano ng 'round 2' ang sinasabing suspek.

Dito pinagsasaksak ng 15 anyos ang tumalo sa kanya sa suntukan na isa 16 anyos na binatilyo.

Dalawang beses natamaan sa likod ang biktima na nakita naman ng dalawa pa nilang kasama ayon sa pulisya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Agad na nadala ang biktima sa Tondo Medical Center. Ayon kay Senior Supt. Jessie Tamayao, commander ng Malabon City Police Station, nakatakas daw ang supek na kaibigan naman pala ng biktima.

Nakausap na rin ng pulisya ang mga magulang ng biktima at wala naman daw itong balak magsampa pa ng kaso sa gumawa nito sa anak.

Gayunpaman, itutuloy pa rin ng awtoridad ang manhunt operation sa suspek..

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Magkapatid, natagpuang magkayakap ang bangkay sa nasunog na bahay

Magkapatid, natagpuang magkayakap ang bangkay sa nasunog na bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel