Nakakabahala! 11 na grade 9 students nag-cutting sa klase para mag-pot session

Nakakabahala! 11 na grade 9 students nag-cutting sa klase para mag-pot session

-Timbog ang 11 grade 9 students sa Makati City habang nagpa-pot session sa isang bahay ng isa sa kanila

-Napag-alaman pang ang isa sa kanila ay anak pala ng isa sa mga nasa drug watch list ng mga awtoridad

-Dahil menor de edad ay dinala muna ang mga ito sa Social Welfare Department

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

11 menor de edad na etudyante ang natimbog ng mga awtoridad habang nagpa-pot session sa isang bahay sa Makati City.

Dahil sa reklamo ng isang kapitbahay na naiingayan sa mga ito kaya nabisto ang kanilang ginagawa ayon sa ulat ng GMA News.

"Nagresponde ang mga Bantay Bayan kasama ang ating mga pulis, pagdating don, pagbukas ng pintuan, nadatnan ang mga kabataan na nangangamoy marijuana," sabi ni Senior Inspector Gideon Ines ng Makati Police.

Agad na napansin ng mga tanod at mga pulis ang amoy ng marijuana nang pasukin nila ang bahay sa Barangay Southside.

Umamin naman ang mga ito na nag-cutting nga sila sa kanilang klase dahil exam week lamang daw.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, napag-alaman naman na ang isa sa kanila na may-ari ng bahay ay anak pala ng isa sa mga nasa drug watch list ng mga pulis.

Itinanggi naman ng bata na may alam siya dito.

"Wala akong alam dun, sir. Wala naman sinasabi papa ko sa akin," sabi pa nito.

At dahil mga menor de edad pa ang mga ito na pare-parehong grade 9 pa lamang ay dinala muna sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Laking gulat naman daw ng mga magulang ng mga ito nang mapag-alaman ang nangyari.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter

Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?

Source: Kami.com.ph

Related news
Magkapatid, natagpuang magkayakap ang bangkay sa nasunog na bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel