Kapatid ng namatay sa pagsabog sa Jolo, buong tapang pa ring nagsimba

Kapatid ng namatay sa pagsabog sa Jolo, buong tapang pa ring nagsimba

- Ilang mga katolikong taga-Jolo ang lakas loob pa ring sumimba isang linggo matapos ang pagsabog sa isang simbahan doon

- Ang isa pa nga raw sa nakipagmisa ay mismong kapatid ng isa sa mga biktima sa pagsabog

- Kapansin-pansin din ang bilang ng mga nagsisimba marahil sa takot na maulit ang nangyari noong isang linggo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buo pa rin ang pananampalataya ng ilang Katoliko sa Jolo na matapang na nakipagmisa pa rin isang linggo matapos ang malagim na trahedya.

Ayon sa ABS-CBN, kapansin-pansin man ang pagbaba ng bilang ng mga nagsisimba roon, natutuwa pa rin si Father Ranila Janquin na makitang may mga malalakas pa rin ang loob na magsimba.

"Although mayroong decrease in numbers, naiintindihan ko. Andiyan pa 'yung takot nila. Gusto ko lang sabihing nandito lang kaming mga religious para hintayin sila," ayon sa pari.

Sa naunang ulat ng KAMI, 22 ang patay at 81 naman ang naitalang sugatan sa pagsabog sa simbahan, isang linggo na ang nakararaan

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kamakailan lamang ay nadakip na umano ang apat na suspek sa naganap na sinasabing terorismong ito.

Samantala, isa sa mga nagsimba ngayong linggo, Pebrero 3 ay si Erlinda Gigante na nagpakilalang kapatid ng isa sa mga biktima ng Jolo twin blast.

"I am the sister of Renaldo Pescadera, 'yung isang victim... Hindi ako kinakabahan, I trust in the Lord at patuloy akong magsisimba," pahayag ni Erlinda.

Sadyang kahanga-hanga ang ganitong tao na di basta bastang natitinag ang pananampalataya sa Panginoon sa kabila ng matinding pagsubok na dumating sa kanilang buhay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel