Mas matindi 'to! OFW deadma sa pamilya at sa kabit pa umano umuwi

Mas matindi 'to! OFW deadma sa pamilya at sa kabit pa umano umuwi

-Sa halip na sa Camarines Sur umuwi ang OFW na si Marife Chavez, sa Davao na ito nauwi pagkatapos ng kontrata nito

-Reklamo ni Mister, mayroon ng ibang lalaki ang kanyang misis na siyang inuwian sa Davao

-Hindi na rin ito nakipagkita pa sa kanya at sa kanilang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi matanggap ng mister na si Joseph Chavez ang ginawa ng kanyang misis na si Marife Chavez, isang overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi.

Sa halip kasi na sa kanilang bayan sa Camarines Sur umuwi si Marife pagkatapos ng dalawang taong kontrata ay sa Davao ito umuwi.

Giit ni Joseph, mayroon ng ibang lalaki ang kanyang asawa na nagngangalang Francis.

Hindi man lang nagawang kitain ni Marife ang kanyang apat na anak at sa halip ay dumirecho na ito sa Davao.

Itinaggi naman ito ni Marife nang kausapin ito ni Raffy Tulfo sa programang Wanted sa Radyo kung saan dumulog si Joseph.

Ayon kay Misis, nagta0trabaho lamang siya sa Davao at walang ibang kinakasama.

Bagay na hindi basta pinaniwalaan ni Joseph, katunayan ay mga larawan itong ipinakita kay Tulfo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi rin umano ito ang unang beses na nagkaroon ng ibang lalaki at katunayan ay pangatlo na ito.

Depensa naman ni Marife, matagal na siyang nakikipag-hiwalay sa asawa dahil umano sa pananakit nito sa kanya.

Nagtatangka rin daw itong magpakamatay tuwing makikipaghiwalay siya dito.

Hindi na rin ito itinaggi ni Joseph at sinabing nagawa lamang niya ito dahil sa labis na pagmamahal sa asawa at sa sakit ng panglalalaki nito.

Nais sana niyang makulong ang asawa ngunit sa huli ay nakipagsundo na lang na makipag-usap muna sa misis para sa kanilang mga anak.

Sa tulong ni raffy Tulfo, ay uuwi si Marife upang harapin ang problema niya sa asawa. Tumanggi na rin ito na makipagbalikan pa sa mister.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter

Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying her taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel