Lifestyle na labis na pag-inom ng kape, alak at energy drink, malaki ang epekto sa puso

Lifestyle na labis na pag-inom ng kape, alak at energy drink, malaki ang epekto sa puso

- Nagbigay babala si Dr. Rodney Jimenez, direktor ng Philippine Heart Association, tungkol sa masamang epekto ng pag-inom ng kape, alak at energy drink sa puso

- Ang mga ito ay nakakapagpabilis ng tibok ng puso na masama lalo kung dati nang may problema sa puso

- Mas makabubuti rin daw ang literal na paggalaw-galaw at kahit simpleng ehersisyo lamang araw-araw para magkaroon ng malusog na puso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa nauusong lifestyle ngayon ng mga Pinoy kung saan mas madalas nang magkape o energy drink ang mga nagtatrabaho at maging ang pag-inom ng alak ay nadadalas din, nagbigay babala ang isang doktor tungkol sa epekto ng mga ito lalo na sa ating puso.

Sa panayam ng ABS-CBN kay Dr. Rodney Jimenez, direktor ng Philippine Heart Association, "alcoholic cardiomyopathy" ang tawag sa kondisyon kung saan nagkakaroon ng pinsala ang puso dahil sa labis na pag-iinom.

"Nasisira din 'yong ating muscle sa heart, lumalaki siya and then naaapektuhan din iyong rhythm (tibok) ng heart," ayon kay Dr. Jimenez.

Sa mga 'coffee lovers' naman, ang labis na pag-inom ng kape sa isang araw at maaring magresulta sa "caffeine poisoning and toxicity." Sa kondisyong ito, labis na bibilis ang tibok ng puso na di naman dapat mangyari.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Lingid din sa kaalaman ng karamihan na mas nakasasama ang ang pag-inom ng energy drink kumpara sa pag-inom ng kape. Mas mataas kasi ang caffeine level ng energy drink na katumbas ng 10 tasa ng kape.

Kaya kung bumibilis na ang tibok ng iyong puso sa kape, mas grabe ang bilis nito kung energy drink ang iinumin.

Kung nakasasama ang labis na pag-inom ng mga inuming ito sa ating puso, lalo't higit din ang paninigarilyo.

Unang hithit pa lang, sumisikip na ang daluyan ng dugo. Ito ang nagiging dahilan bakit nababawasan ang oxygen na napupunta sa puso.

Dagdag pa ni Dr. Jimenez, kinakailangan talagang 'gumalaw' o 'kumilos' manlang araw-araw, gaya ng simpleng paglalakad o ehersisyo upang maging maayos din ang pagdaloy ng dugo sa katawan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica