Karla Estrada, binasag ang katahimikan ukol sa Kathniel engagement news

Karla Estrada, binasag ang katahimikan ukol sa Kathniel engagement news

- Binasag na ni Karla Estrada ang katahimikan ukol sa engagement news ng Kathniel

- Kamakailan lang, pinag-usapan ang nakakaintrigang post ng mommy ni Kathryn Bernardo

- Sa Magandang Buhay ay klinaro ng Queen Mother ni Daniel Padilla na isang biro lang daw ito

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagsalita na sa wakas si momshie Karla Estrada ukol sa napapabalitang engagement proposal umano ng kanyang panganay na anak na si Daniel Padilla sa girlfriend nitong si Kathryn Bernardo.

Sa sagot na narinig ng KAMI sa episode ng Magandang Buhay ay ikinaila ito ni Queen Mother.

Ayon pa sa kanya, sa video upload sa ABS-CBN Entertainment site, wala raw proposal na nangyari nang magbakasyon si Daniel kasama si Kathryn at buong pamilya.

Pahayag pa ni Karla:

"Kasi may lumabas nung nasa Japan sila, pero katuwaan lang 'yon ni Tita Min at saka ni Do."

Ang huli ay ang matalik na kaibigan daw ni Karla at tumatayong personal assistant raw ni Daniel.

Dagdag na paliwanag ng momshie ni Teen King:

"Nagkatuwaan lang. So parang pinalabas. Kaya medyo nalito ang mga tao."

Patuloy pa ni Karla:

"Siyempre kapag ganun, ako ang unang makakaalam, dahil ako naman 'yung unang magsu-support din kung ano at anuman."

Ibinahagi rin ni Karla ang pagkaklaro ni Kathryn sa TV Patrol tungkol rito.

"Pero kinlaro rin ni Kathryn ito sa 'TV Patrol' if I'm not mistaken. Kinlaro niya na katuwaan 'yon. Ang sinabi ni Kathryn, hindi po totoo 'yon, ini-entertain niya ang idea pero kailangan pa nilang magtrabaho at marami pang opportunity."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, tricky questions.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty lady goes viral for allegedly not paying her taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel