"Duterte at Kim", pinagkaguluhan nang kumain sa Jollibee Hong Kong

"Duterte at Kim", pinagkaguluhan nang kumain sa Jollibee Hong Kong

- Agaw eksena ang mga impersonators nina President Rodrigo Duterte at Km Jong Un ng North Korea

- Marami raw talaga ang muntik nang mapaniwala ng dalawa na sila nga ang totoong mga pinuno ng kani-kanilang bansa

- Kumain pa sila sa Jollibee Hong Kong kaya mas lalong humakot ng atensyon ang pagsasama ng dalawang impersonators

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa unang tingin aakalain mo raw na nagba-bonding ang pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte at ang Supreme leader ng North Korea na si Kim Jong Un.

Ayon sa BBC news, agaw eksema raw talaga ang dalawa nang magkasama pang nagsimba at kumain pa sa Jollibee Hong Kong.

Nalaman ng KAMI na ang impersonator o gumagaya kay Kim Jong Un ay si Howard X habang ang look-alike naman ng ating pangulong Digong ay si Cresencio Extreme.

Malaki raw talaga ang pagkakahawig ni Cresencio sa ating pangulo lalo at nakasuot pa ito ng puting barong na tila naging signature na kasuotan na ni Pangulong Digong.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Gayundin si Howard X na kamukhang kamukha nga ng pinuno ng North Korea sa anumang anggulo.

Nakita ang dalawa na sumama sa misa sa St Joseph's Church nitong Linggo, Pebrero 3.

At gaya ng nakagawian na ng karamihan sa ating mga Pinoy, dumiretso rin ang dalawa sa Jollibee at kumain ng chicken joy.

Nagpaunlak ding magpakuha ng larawan ang dalawa lalo na sa mga Pinoy na mahilig makipag-selfie.

Pinagkaguluhan din sila nang humawak na ang mga ito ng mga pekeng rifle na tila ba ay sumisimbolo sa pagiging matapang nilang pinuno ng kani-kanilang bansa at pagpapakitang wala silang inuurungan.

Masasabing nag-enjoy talaga ang mga taong nakakita at "nakakilala" sa kanila dahil sa inakala ng ilan sa mga ito na sila ang totoong taong ginagaya nila.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Dani Barretto shuts down bashers of her best friend Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel