Taguig city hall, binalot ng takot dahil sa bomb threat

Taguig city hall, binalot ng takot dahil sa bomb threat

- Nabulabog ang Taguig city hall ngayong umaga dahil umano sa kumalat na bomb threat sa lugar

- Bandang 8:30 ng umaga ng Pebrero 4 nang makatanggap di umano ng text message ang isa sa empleyado na may bomba raw sa naturang lugar

- Matapos ang masusing inspeksyon, napag-alamang wala namang bomba sa munisipyo ng Taguig

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Halos kakapasok pa lamang ng mga empleyado ng Taguig city hall nang kumalat sa lugar na may bomba raw di umano rito.

Ayon sa ABS-CBN news, bandang 8:30 ng umaga ng Lunes, Pebrero 4 nang makatanggap ng text message ang isa sa mga taga munispyo tungkol sa bomb threat.

Sa panayam kay Taguig Police chief Senior Supt. Alexander Santos, agad daw silang nagsagawa ng inspeksyon sa lugar upang masiguro ang kaligtasan ng mga tao roon.

Di maiwasang mag-panic ng nasa Taguig city hall ng mga oras na iyon dahil sa sunod-sunod na mga pagbomba o pagpapasabog sa matataong lugar sa Mindanao.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bagaman at malayo naman ito, malaki pa rin daw ang posibilidad na manggulo kung sinuman ang gumagawa nito sa kalakhang Maynila.

Inabot din ng halos isang oras ang pag-iinspeksyon bago naideklarang negatibo sa bomba ang naturang lugar.

Nang malamang walang katotohanan ang text message, bumalik sa normal ang sitwasyon sa munisipyo ng Taguig.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel