KMJS, nadiskubre kung nasaan ang buwayang nanakmal sa 1 bata sa Palawan

KMJS, nadiskubre kung nasaan ang buwayang nanakmal sa 1 bata sa Palawan

-Hindi inaasahan ng lahat ang natuklasan ng KMJS team kaugnay sa buwayang nanakmal sa isang 12-anyos na bata sa Balabac, Palawan

-Nito lamang Biyernes ng nakaraang linggo, sinakmal at muntik nang makain ang batang si Diego ng isang buwaya

-Isa itong balita na gumulantang na naman sa mga tao sa lugar lalo pa makailang beses na ring may nasawi dahil sa mga buwaya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Laking-gulat ng 12-anyos na batang si Diego nang bigla na lamang siyang sakmalin ng isang buwaya sa ilog na pagliliguan sana nila ng mga kapatid.

Mabuti na lamang at nagawa siyang iligtas ng kanyang ama na dali-daling tumakbo para saklolohan ang anak.

Ngunit mas ikinagulat ng team ng programang Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) nang sila mismo ang makakita ng buwaya na siyang salarin sa pananakmal kay Diego.

Sinamahan sila ng nakatatandang kapatid ni Diego na si Hermando sa mismong lugar kung saan inatake ang bata ng buwaya.

Ayon sa kanila, habang nag-su-shoot ang kanilang team may napansin silang umpok ng lupa na hugis buwaya.

Nang hukayin ito ng kapatid ni Diego, tumambad sa kanila ang isang naaagnas na buwaya na nasa walong talampakan ang haba.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Doon na umamin si Hermando sa ginawa nila sa buwaya.

Kwento nito, pinainan nila ito ng manok. nang kumagat ito sa pain ay pinagpapalo nila ito bago dinala sa pampang. Doon pinagpapalo muli nila ang buwaya.

Depensa ni Hermando, dahil sa sobrang galit nila sa pananakit nito sa kanyang kapatid kaya nila nagawang gumanti.

Nang isangguni ito ng KMJS sa Philippine Council for Sustainable Development (PCSD) na nangangalaga sa kalikasan sa Palawan, sinabi ditong ipinagbabawal ang ginawa nila Hermando.

Sabi ng ahensiya, maaari lamang gumawa nga aksyon laban sa buwaya kapag inatake na ang isang tao, ngunit nangangailangan pa rin ito ng mga sapat na ebidensiya.

Samantala, kasalukuyang nagpapagaling si Diego sa ospital.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter

Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel