14-anyos na nawala ng ilang araw, lumutang sa imburnal sa Bulacan

14-anyos na nawala ng ilang araw, lumutang sa imburnal sa Bulacan

-Hindi matanggap ng pamilya ng isang dalaga sa Bulacan ang sinapit nito sa kamay ng dalawang salarin

-Pagkatapos kasi nitong mawala ng ilang araw ay inuluwa na lamang ito ng isang imburnal sa kanilang lugar matapos anurin ng baha

-Nagbabala naman ang mga awtoridad sa mga magulang kaugnay ng kasong ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpaalam lang daw na bibili ng candy ang 14 taong gulang na si "Angelica" ('di niya tunay na pangalan) sa kanyang ina noong August 7, 2018.

Ngunit inabot na daw ng umaga ay hindi na ito nakabalik pa sa kanilang tahanan.

Hanggang sa inabot na ito ng ilang araw. Agad naman nila itong ipina-blotter sa barangay at tulong-tulong sila upang hanapin ito.

Ilang araw pa ang lumipas na hindi nila nakita ang dalaga. Masama na daw ang kutob ng nakatatandang kapatid nito na si "Jona" dahil hindi naman daw umaalis si Angelica ng hindi nagpapaalam.

Hanggang sa dumating August 13 at kinatok sila ng binatilyong may alyas "Liit".

Sinabi nito na may bangkay na lumutang sa isang creek sa kanilag lugar sa Barangay Dampol 1st sa Pulilan, Bulacan.

Doon nakumpirmang si Angelica nga ito. Ayon sa pulisya, inanod ang bangkay matapos manalasa ng habagat at nang tumaas ang tubig sa creek, inanod ang katawan ni Angelica.

Sa inisyal na imbestigasyon, dalawang suspek ang kanilang tinukoy kabilang na si alyas Liit na siyang nagsanla sa cellphone ng biktima.

Ito ang naging dahilan upang matukoy ng mga awtoridad ang detalye ng krimen.

Unang umamin ang suspek na si Liit, 16-anyos. Itinuro nito ang kasamahan at siya umanong sumaksak kay Angelica.

Si Melvin Altubar, 23-anyos ang itinuro nito. Napag-alamang kaibigan ito ng biktima habang si alyas Liit naman ay pahinante pala ng ama nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa report ng mga pulis, nakipag-inuman si Angelica sa dalawang suspek at nang malasing ang mga ito aynagkaroon ng pagnanasa sa biktima.

Nang manlaban ito ay doon na umano ito sinakal ni Melvin hanggang sa mawalan ng malay. Nang mawalan ng malay ay tsaka ito hinalay ng dalawa.

Si Melvin din umano ang sumaksak kay Angelica pagkatapos itong halayin. Nang masigurong patay na ito ay tsak nila ito isiniksik sa imburnal malapit sa bahay ni alyas Liit.

Bagamat umamin noong una si Melvin sa mga pulis, mariin naman nitong itinanggi ang krimen nang humarap ito sa programang Bitag.

Sa kasalukuyan ay nakakulong na ito habang si alyas Liit naman ay nsa pangangalaga ng DSWD dahil menor de edad pa ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter

Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty lady goes viral for allegedly not paying her taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel