Ronnie Alonte, kailangang sumailalim sa mapanganib na operasyon

Ronnie Alonte, kailangang sumailalim sa mapanganib na operasyon

- Nagkaroon ng injury si Ronnie Alonte sa tuhod noon pero ngayon, kinailangan na niyang operahan

- Di na raw puwedeng patagalin dahil baka bumigay at mas lalong lumala ang kanyang kundisyon

- Sana raw maka-recover siya dahil kung hindi baka sa ospital na sila mag-Valentine's ni Loisa

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maraming nag-alala kay Ronnie Alonte nang maaksidente siya noon at nagkaroon ng knee injury.

Nalaman ng KAMI na ngayon, kakailanganin na talaga ng aktor na mag-undergo ng knee surgery.

Paliwanag ng aktor sa ABS-CBN noong January 29, kung hindi raw maooperahan ang kanyang tuhod ay baka bibigay ito at mas maging malala ang kundisyon niya.

'Yung injury ko, eh, parang 'yung sa mga rugby players. 'Yung nakukuha sa sadyang banggaan talaga," sabi ni Ronnie. "So anytime, pwede siyang bumigay nang malala talaga.""

"May plano sa akin na ooperahan na tuhod ko this Thursday. Sana maka-recover ako agad. At least sana makalakad ako," sabi ni Ronnie. "Dahil kung hindi, baka mag-Valentine's Day kami ni Loisa (Andalio) sa ospital. Kasi nagti-therapy ako niyan."

Matatandaang ginampanan ni Ronnie ang role bilang si Paul Desiderio ng UP Fighting Maroons Men's Basketball Team sa isang episode ng "Maalaala Mo Kaya" noong January 19.

Si Ronnie Alonte ang ka love team ni Loisa Andalio at binubuo nila ang loveteam na Loinie.

Miyembro siya ng Hashtags at nakagawa na rin siya ng ilang pelikula.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions: testing boys and girls of the Philippines for knowing some historical information. Who is smarter: boys or girls? Find out in the video!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty lady goes viral for allegedly not paying her taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel