Tatay sa Tondo, inaresto dahil paulit-ulit na ginahasa ang 15-anyos na anak

Tatay sa Tondo, inaresto dahil paulit-ulit na ginahasa ang 15-anyos na anak

- Inaresto ng pulis ang isang tatay sa Tondo, Manila dahil sa paulit-ulit na pangggagahasa sa kaniyang menor de edad na anak

- Ayon sa biktima, hindi raw siya makapagsumbong dahil papatayin daw siya ng tatay niya kung gawin niya iyon

- Halos araw-araw na ginahasa ang kawawang anak sa loob ng tatlong taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang 51-anyos na tatay sa Tondo ang inaresto ng pulis dahil sa panggagahasa sa kaniyang teenager na anak na babae.

Nalaman ng KAMI na nagmistulang sex slave ang dalagita ng kaniyang ama sa loob ng tatlong taon, mula 12 hanggang 15-taong-gulang siya.

Ayon sa report ng GMA News program na “Balitanghali, pinagbantaan daw ng tatay ang buhay ng kaniyang anak upang hindi ito magsumbong ukol sa krimen.

"Tulug-tulugan po ako, tapos sabi niya po sa akin, pag sumumbong daw po ako papatayin daw po ako," kwento ng biktima, na sinasaktan din daw ng tatay kapag lumalaban sa kaniyang panghahalay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isa sa mga kapatid ng biktima ang nagsumbong sa kanilang nanay, na hiwalay na ng limang taon mula sa tatay dahil inaabuso siya nito.

"Nagtiwala ako sa kanya para mapaayos ang bata, hindi mapariwara, yun pala may ginagawa na," paliwanag ng nanay, ayon sa ABS-CBN News.

Ang suspek naman ay umamin sa panggagahasa sa anak at ipinaliwanag na nagagawa niya ito dahil sa pagkalasing.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Guess The Celebrity By A Clue! We say one fact about one famous Pinoy personality and you should guess who that person is. How well do you know our celebrities? Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel