Tax sa retirement pay ng 1 Pinoy na nagretiro, umabot sa mahigit P300k

Tax sa retirement pay ng 1 Pinoy na nagretiro, umabot sa mahigit P300k

-Laking gulat ng isang lalaki nang makita kung gaano kalaki ang buwis na kinaltas mula sa kanyang retirement pay na umabot sa mahigit P300k

-Hindi niya ito matanggap kaya naman humihingi siya ng tulong para mai-refund ang iba rito

-Inisa-isa naman ng BIR ang mga kondisyon upang maging tax-free ang retirement pay ng isang Pilipino

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi matanggap ni Dominador Arquez nang malaman kung gaano kalaki ang tinapyas na buwis mula sa kanyang retirement pay.

Umabot kasi ito sa sa mahigit P300,000!

"Umabot po ng P337,000 [ang buwis]. Ito po ay akin nang kayamanan, wala naman akong pagkukunang iba, wala akong business," sabi pa ni Arquez sa panayam sa ABS-CBN News.

Masama ang loob ni Arquez dahil dito at nais sana na ma-i-refund ang iba mula sa kinaltas na buwis sa kanyang pinaghirapan.

Nag-retiro siya sa edad na 48 at nagtrabaho ng 25 taon sa Central Azucarera San Pedro.

Napaliwanagan naman daw siya na may buwis ang kanyang retirement pay ngunit 'di daw niya inasahan na ganito kalaki ang tatapyasin sa kanya.

Ayon din sa report ng ABS-CBN, nagbigay na ng pahayag ang Central Azucarera kaugnay nito. Sabi nito 26 taong naglingkod si Arquez kaya lang wala pa siyang 50 anyos nang magretiro kaya ayon sa batas, may buwis ang kaniyang retirement pay.

Samantala, inisa-isa naman ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga kondisyon upang maging tax-free ang retirement pay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"You must be at least 50 years old. You must be in continuous service for that employer for at least 10 years. Lastly dapat first time mo in-avail ang retirement benefit mo," ani Marissa Cabreros, deputy commissioner ng BIR nang idulog ng programang Tapat na po ang hinaing ni Arquez.

Nakumpirma rin dito na tama lamang ang buwis na ipinataw kay Arquez.

Dagdag pa ng ahensya, kapag nagretiro bago mag-50, idaragdag ang retirement pay sa lahat ng kinita ng empleyado buong taon at papatawan ng kaukulang buwis depende sa laki nito.

Nagbigay din ng babala ang BIR na dapat alamin ng lahat ang mga patakaran at batas kaugnay ng pagreretiro upang hindi mabigla sa matatanggap na benepisyo.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter

Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty lady goes viral for allegedly not paying her taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare

Pretty lady goes viral for allegedly not paying taxi fare
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel