Bata, himalang nakaligtas matapos sumabog ng manhole na hinulugan niya ng lusis

Bata, himalang nakaligtas matapos sumabog ng manhole na hinulugan niya ng lusis

- Kitang kita sa video kung paano sumabog ang manhole sa isang iglap matapos ilusot ng inosenteng bata ang lusis na hawak niya

- Nasira ang ilang sasakyang nakaparada malapit sa manhole ngunit himalang wala namang nasaktan

- Maging leksyon ito sa mga bata gayundin sa mga magulang na kahit pa 'pailaw' lamang ang lusis o sparklers, isa parin itong uri ng firecracker

Nakita sa video kung paano sumabog ang isang manhole sa China matapos magtapon ang isang bata ng lusis sa butas nito.

Ayon sa South China Morning post, naglalakad ang bata na may hawak na nasa apat na may sinding sparklers o lusis.

Dala siguro ng pagiging mausisa ng bata, naisipan nitong ilusot sa butas ng manhole ang isa sa lusis na hawak niya.

Nalaman ng KAMI na sa isang iglap, bigla na lang sumabog ang manhole na ito na kinatakot ng mga naroon.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, ang lusis ay may methane gas na siyang nakapagpasabog sa manhole.

Ikinasira ng pagsabog ang daanan gayundin ang ilang sasakyang nakaparada malapit sa manhole.

Mabuti na lamang at walang naiulat na nasaktan sa naturang insidente.

Magsilbing aral ito sa mga bata at maging sa mga magulang na bantayan, pangaralan at alagaang mabuti ang mga anak upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Marc Pingris receives best Valentine's Day gift from Danica Sotto & kids

Marc Pingris receives best Valentine's Day gift from Danica Sotto & their kids

Marc Pingris receives best Valentine's Day gift from Danica Sotto & kids
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel