Batang 3 taong gulang, nakuha parin ng lolo matapos itong ibenta ng mga magulang

Batang 3 taong gulang, nakuha parin ng lolo matapos itong ibenta ng mga magulang

- Masuwerteng nakuha pa ng lolo ang apo niyang kaawa-awang binenta ng kanyang mga magulang sa parke

- Nang dalawin lamang ng lolo ang tatay ng bata noon na nakulong dahil sa droga, doon niya nalaman na binenta pala nila ito

- Isang DNA ang nagpatunay na kadugo nga ng lolo ang bata at nabawi ito sa umapon sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Walang habag ang mga magulang na ito sa Jinjiang city, China kung saan binenta na lamang ang kanilang tatlong taong gulang na anak sa halagang manumbas 1 milyong piso.

Ayon sa South China Morning post, pinaghatian pa umano ng mag-asawa ang perang kinita sa pagbebenta sa anak.

Nalaman ng KAMI na ang lolo ng bata ang siyang nagpalaki sa kanya mula pa noong walong taong gulang pa ito.

Disyembre ng nakaraang taon nang kunin ang bata ng kanyang mga magulang na inakala lamang ng lolo na bibisita lang.

Nalaman na lamang ng lolo na ibenenta ang bata nang bisitahin ng niya ang ama ng bata na nakulong dahil sa droga.

Nagpatulong ang galit na lolo sa pulisya na agad namang hinanap ang umampon sa apo.

Nang ang kinaroroonan ng bata, nagsawa ng DNA test upang masiguro ang tunay na pagkatao nito. Doon nila nakumpirma na kadugo nga ito ng naghahanap na lolo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Masama ang loob ng lolo sa kanyang anak. Binigyan linaw niya na kaya naman umano niyang buhayin ang apo kung di talaga kaya ng mismong mga magulang nito.

Nang tanungin ng awtoridad ang ama ng bata, napag-alaman nilang nagkasundo pala sila ng kanyang asawa na ibenta ang anak at nagkita sila noon sa isang parke. 60,000 yuan bawat isa ang kanilang nakuha at nagdesisyon ding maghiwalay na lamang matapos ang pagbibenta.

Noong araw na kinuha ng mga magulang ang bata, pinamukha pa raw ng mag-asawa na sila ang mga magulang at sila ang magdedesisyon kung ano ang gusto nilang gawin sa kanilang anak. Bago raw kasi mangyari ang insidente, kunin man daw ng magulang ang bata ay binabalik din naman ito bago mag-gabi.

Haharap ngayon sa magkaibang kaso ang mga magulang ng bata at maging ang mga umampon dito.

Sa ilalim ng batas ng Tsina, makukulong ng lima hanggang 10 taong pagkakakulong ang may kaso na child trafficking at ang mas malala pa, maari pa silang maharap sa bitay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel