Apektado talaga siya! Willie Revillame tumigil sa pagte-taping ng Wowowin

Apektado talaga siya! Willie Revillame tumigil sa pagte-taping ng Wowowin

- Hanggang sa susunod na linggo na lang ang pondo taped episode ng Wowowin

- Hindi pa rin kasi bumabalik sa pagte-taping ang TV host

- Matinding lungkot ang kanyang nadama matapos ang aksidenteng nangyari sa studio kung saan isang studio audience ang binawian ng buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hanggang ngayon daw ay hindi pa bumabalik sa pagte-taping si Willie Revillame matapos maganap ang aksidente sa studio kung saan isa ang nasawi at isa ang sugatan. Ayon sa ulat ng Bandera, hanggang sa susunod na linggo na lang ang pondong taped episode ng Wowowin.

Wala na silang maipapalabas na episode kapag hindi pa bumalik sa pagteteping si Willie sa susunod na linggo.

Kasalukuyan diumanong nasa bahay-bakasyunan niya sa MIndoro ang Kapuso TV host upang kahit papano ay maibsan ang nararamdamang kalungkutan sa mga nangyari.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon pa sa ulat ay pinatapos muna ng staff niya ang second taping bago nila sinabi kay Willie ang nangyari upang matuloy muna ang programa dahil alam nilang siguradong ipapatigil agad nito ang taping sa oras na malaman niya.

Ayon pa sa staff ng show malamang ay aalis iyon at walang makakapigil sa kanyang puntahan ang nasaktang studio audience.

“Nu’ng malaman ni Willie ang nangyari, bagsak ang balikat niya, kitang-kita mo ‘yung concern sa kanya, du’n na siya sumugod sa ospital kung saan nandu’n ang mga naaksidente niyang tagasuporta,” saad ng isang taga Wowowin.

Marahil ay bumabalik sa alaala niya ang nangyari noon na stampede noong nasa ABS-CBN pa lamang siya kung saan humantong sa trahedya ang sana ay masayang paggunita ng anibersaryo ng Wowowee.

Si Willie Revillame ay nagsimula bilang extra lamang sa mga pelikula. Naging matagumpay siya at nabiyayaan nang sumikat siya sa pagiging TV host.

Sa naunang ulat ng KAMI, naging emosyonal ang isang episode ng Wowowin kung saan nagpaalam ang dalawang dancer ng show.

POPULAR: Read more about Willie Revillame here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter

Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?

Source: Kami.com.ph

Related news
Marc Pingris receives best Valentine's Day gift from Danica Sotto & their kids

Marc Pingris receives best Valentine's Day gift from Danica Sotto & their kids

Marc Pingris receives best Valentine's Day gift from Danica Sotto & kids
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel