CEO daw nagpakalat ng nude photos, binantaan pa buhay ng mga biktima nito

CEO daw nagpakalat ng nude photos, binantaan pa buhay ng mga biktima nito

-Matapos maireklamo sa programang Wanted sa Radyo ni Raffy Tulfo ang lalaking nang-blackmail sa dalawang dalaga, tinakot pa umani nito ang dalawa ngayon

-Ayon sa mga biktima, pinagbabantaan pa ang buhay nila ng lalaki

-Nagpost din ito ng isang post sa social media laban sa magkapatid na biktima at sinabing publicity stunt lang daw ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pagkatapos maireklamo sa programang Wanted sa Radyo ang lalaking si Joshua Mari Aguilar dahil sa pangba-blackmail umano nito sa magkapatid na "Angelica" at "Belle" ay naglabas ito ng pahayag sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Ayon sa magkapatid ipinapakalat umano ni Aguilar ang malalaswang larawan ni Belle sa social media at ginagamit ito upang i-black mail ang dalawa.

Napag-alaman din na dating naging magkarelasyon si Aguilar at Angelica. Ngunit nagkaroon umano ng pagkakataon na mapagsamantalahan nito si Belle.

Sa FB post nito, sinabi ni Aguilar na isa lamang umanong publicity stunt ang nasabing reklamo laban sa kanya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon naman sa pahayag ng Wanted sa Radyo, may mga ebidensya ang magkapatid na makakapagpatunay sa pananakot ni Aguilar.

May mga larawan din si Belle na ipinadala sa mga kaibigan ng mga ito gamit ang isang dummy account.

Pagkatapos din ng ipinalabas ang episode ng reklamo ng magkapatid ay nag-chat si Aguilar sa mgakapatid at pinagbantaan ang kanilang buhay gamit ang isa pang dummy account.

Ang mga isinumiteng ebidensiya ng magkapatid ay gagamitin nila upang sampahan ng kaso ang inirereklamo.

Kabilang na rin ang mga dating kasamahan ng magkapatid na handa umanong tumestigo.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter

Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?

Source: Kami.com.ph

Related news
Estudyanteng di makapagsagot ng exam sa sobrang gutom, dinagsa ng tulong

Estudyanteng di makapagsagot ng exam sa sobrang gutom, dinagsa ng tulong

Estudyanteng di makapagsagot ng exam sa sobrang gutom, dinagsa ng tulong
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel