Misis na spoiled, iniwan ang 3 anak at mister na gwardiya para sa batang BF

Misis na spoiled, iniwan ang 3 anak at mister na gwardiya para sa batang BF

-Idinulog na ng gwardiyang si Nasep Jundam ang kanyang reklamo sa kanyang misis na bigla na lamang umanong nakipaghiwalay sa kanya

-Ayon kay Jundam, mayroon na umanong ibang lalaki ang kanyang misis na mas batang lalaki

-Hindi nito matanggap ang nagawa nito lalo pa at mayroon na silang tatlong anak na basta na lamang nitong iniwan sa pinsan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi matanggap ni Nasep Jundam ang ginawa sa kanya ng kanyang misis na basta na lamang umanong nakipaghiwalay sa kanya.

Basta na lamang din umanong iniwan ni Misis ang kanilang tatlong anak sa isa nitong pinsan kabilang na ang 1 taong gulang.

Ayon kay Jundam, ipinagpalit sila nito sa lalaking mas bata sa kanila at ito na ang kinakasama nito ngayon.

Hindi na rin daw nakikipag-komunikasyon sa kanya ang asawa na pinapatayan pa daw siya ng telepono.

Masama ang loob ng lalaki dahil ibinigay naman daw niya ang lahat ng kanyang kayang ibigay para sa pamilya at halos hindi na magtira para sa sarili.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kung saan-saan din daw nito hinanap ang asawa kahit pa halos napabayaan na niya ang kanilang mga anak.

Kaya naman sa idinulog na niya ang kanyang problema sa programang Raffy Tulfo in Action.

Nais sana niyang maipa-hold ang asawa na aalis na daw papuntang ibang bansa para mag-trabaho na ipinangako pa daw nitong para sa kanilang mga anak.

Maka-ilang beses ding sinubukang tawagan ng programa ang misis ni Jundam ngunit pinapatay lamang nito ang telepono.

Nangako naman ng tulong si Raffy Tulfo upang masampahan ng reklamo ang ginang sa POEA. Maging ang kustodiya ng mga anak nito ay ilalaban din umano nito para sa iniwang mister.

Bukas po ang KAMI sa panig ng misis na inirereklamo.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter

Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?

Source: Kami.com.ph

Related news
Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel