Dating interview ni Jaclyn Jose, inuugnay sa pagbubuntis ng anak na si Andi Eigenmann

Dating interview ni Jaclyn Jose, inuugnay sa pagbubuntis ng anak na si Andi Eigenmann

- Isiniwalat kamakailan lang ni Andi Eigenmann na siya ay buntis muli sa kanyang social media account

- Isa sa mga nagsalita na tungkol sa pagbubuntis ni Andi ay ang kanyang half-brother na si Gabby Eigenmann

- Hindi pa man opisyal na naglalabas ng pahayag ang kanyang ina na si Jaclyn Jose, inuugnay naman ng mga tao ang dati nitong interview sa isyu

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News

Usap-usapan kamakailan lang ang ibinahagi ng anak ni Jaclyn Jose na si Andi Eigenmann sa kanyang social media account.

Ayon kay Andi, siya raw ay 14 weeks pregnant na sa kanyang boyfriend na si Philmar Alipayo, isang professional surfer.

Dahil sa rebelasyon na ito, nalaman ng KAMI na muling naugnay ng mga tao ang dating interview ni Jaclyn noong December 2018 sa pagbubuntis ni Andi.

Ayon sa report ng PhilStar Pang-Masa, naging interesado raw kasi ang mga netizens sa magiging reaksyon ni Jaclyn tungkol sa pagbubuntis muli ni Andi kung kaya't naugnay ng mga tao ang dating interview nito kay Ricky Lo.

Nang tanungin si Jaclyn sa interview noong December 2018 kung kamusta na siya, sinagot lamang daw nito na siya ay malungkot.

Hindi rin ibinahagi ng aktres ang dahilan sa kanyang kalungkutan kaya mas napagtanto ng mga tao na baka may kinalaman ang kalungkutan ng beteranang aktres sa pagbubuntis ng unica hija niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, sinagot na ni Jaclyn Jose mga katanungan tungkol kay Andi Eigenmann. Sabi niya si Andi ay palaging nasa beach at talagang pinu-pursue ang advocacy niya sa pagiging environmentalist.

Si Jaclyn Jose ay isang Filipina actress na sumikat sa pagbida niya sa mga pelikulang Salome, at Santa Juana. Anak niya si Andi Eigenmann sa aktor na si Mark Gil na namayapa na nung 2014. Si Jaclyn ang kauna-unahang aktres sa Pilipinas na nanalo bilang Best Actress sa Cannes Film Festival.

POPULAR: Read more news about Andi Eigenmann

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video is a social experiment that features whether or not people help others base on their look and outer appearance! This video is truly interesting and can serve as an eye opener for us! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay

Magkapatid, natagpuang magkayakap ang bangkay sa nasunog na bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel