Gurong inakusahan ng pambabato sa estudyante, pinagtanggol ng DepEd

Gurong inakusahan ng pambabato sa estudyante, pinagtanggol ng DepEd

- Kumalat ang larawan ng guro na si Josephine Salazar Cortez na inaakusahan ng pambabato ng kahoy sa kanya umanong estudyante

- Di maiiwasang magalit maging ng mga netizens na nakabasa ng naturang post

- Mismong ang DepEd superintendent ng kanilang lugar ang nagsiwalat ng totoong nangyari at di raw binato ng guro ang bata sa larawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang post ng netizen na si Esther Valdez Serquina kung saan binahagi niya ang larawan ng isang batang lalaki na may sugat.

Ayon sa post na binahagi rin ni Miles Dumanat Sagun, sinasabing ang guro na si Josephine Salazar Cortez ang bumato sa batang lalaki, dahilan upang magkasugat ito.

Nalaman pa ng KAMI na tila galit ang nagpost sa guro dahil sa mali raw ang pagdidisiplina na ginawa nito sa bata.

Kahoy pa raw ang pinambato ng guro ng Piut Elementary School Carranglan Nueva Ecija.

Kaya umano ito binahagi ni Esther ay upang makarating sa Department of Education ang naturang insidente.

Maging ang mga netizens ay naglabas ng saloobin sa nangyari sa bata. Para sa kanila, mali na saktan ito kahit pa bahagi ito ng disiplina sa kanila.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilang sa kanilang mga komento:

"Dapat pagbayaran mo ang ginawa mo walang hiya ka kawawa yang bata"
"Dapat tanggalin sa pwesto"
"Hindi ka pweding maging ina....sana pag may anak ka inshallah mamatay narin.padrugs test ninyo ang teacher nato baka nag shabu.adik yata yan pinag tripan ang bata.
"Ganda mo pa naman mam.hindi ka nararapat sa propesyong yan.dapat sa yo tagapag alaga ng leonsa manila zoo"
"Lagot k ngayon mam salbahe k ha my anak k naman cguro bakit k ganyan"

Samantala, sa comment section din ng naturang post, may nakapagsabing di naman umano totoo ang bintang sa guro na nambato.

Ayon kay Ronaldo Pozon, nagpakilalang DepEd superintendent ng Nueva Ecija, walang katotohanan ag akusasyon sa guro.

Naglalaro raw ang bata kasama ang kanyang mga kaklase gamit ang karomatilya. Salitan pa raw umano ang mga ito sa pagsakay nang bigla itong matumba. Tumama ang pisngi ng bata sa kahoy at nasugatan.

Marami raw bata at magulang ang nakakita sa pangyayari kaya wala raw katotohanan ang binibintang ng ina ng bata na siyang nagpakalat ng post.

Naibahagi rin ng netizen na si Venus Venus ang post upang malinis ang pangalan ng guro na inosente pala sa pangyayari.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Magkapatid, natagpuang magkayakap ang bangkay sa nasunog na bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel