Rodjun and Rayver Cruz, nagluluksa sa pagpanaw ng kanilang ina na si Melody "Beth" Cruz

Rodjun and Rayver Cruz, nagluluksa sa pagpanaw ng kanilang ina na si Melody "Beth" Cruz

- Nagluluksa ang makapatid na Rodjun at Rayver Cruz dahil sa pagpanaw ng ina na kilalang malapit na malapit sa magkakapatid

- Pumanaw ang kanilang inang si Melody Cruz nitong Sabado ng umaga, February 2

- Pancreatic cancer ang karamdaman ni Mommy Beth

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumanaw ang ina ng magkapatid na Kapuso stars na sina Rodjun at Rayver Cruz. Nagluluksa ang magkapatid sa pagpanaw ng inang si Melody "Beth" Cruz nitong Sabado ng umaga, February 2.

Ayon sa ulat ng Pep.ph, Pancreatic cancer ang karamdaman ni Mommy Beth. Napag-alaman ng KAMI na mabilis ang pangyayari dahil nakaramdam lamang ng pananakit ng tiyan ang kanilang ina habang nasa bakasyon sa Singapore.

Dahil sa pagiging malapit sa ina, hindi na tumanggap ng mga shows na overnight at mga shows na malalayo si Rodjun upang maalagaan at makasam ang ina simula nang ma diagnose ang sakit nito.

Sa isang Instagram post, makabagbag damdamin ang naging mensahe ni Rodjun para sa ina. "Mama maraming salamat sa mahigpit na yakap ilang araw bago ka kinuha ni Lord kanina. Sobrang mahal na mahal kita at alam ko na alam mo yun. You fought a good fight."

Kahit si Rayver ay nagbahagi din ng mensahe sa kanyang Instagram account.

Ang pamangkin ni Mommy Beth na si Lawrence "Wowie" Cruz, kapatid ni Sheryl Cruz, ang isa sa mga unang nagbalita tungkol sa pagpanaw ng nanay nina Rodjun at Rayver.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakilala ang magkapatid na Rodjun at Rayver Cruz sa husay nila sa pagsasayaw. Naging bahagi sila ng dance group na Anime kung saan nakasama nila sina John Waine Sace, Oliver Mhyco Aquino, Sergio Garcia, Emman Abeleda at Mico Aytona.

Sa naunang ulat ng KAMI, umani ng papuri ang naging performance ni Rayver Cruz nang lumipat siya sa GMA 7.

POPULAR: Read more about Rayver Cruz here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter

Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?

Source: Kami.com.ph

Related news
15 Pinay celebs na namumulaklak sa ganda sa Valentine's Day!

15 Pinay celebs na namumulaklak sa ganda dahil sa mga bulaklak na natanggap sa V-Day!

15 Pinay celebs na namumulaklak sa ganda sa Valentine's Day!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel