Mga bumbero, matapang na umapula sa sunog kahit nagyeyelo na sa lamig ang lugar

Mga bumbero, matapang na umapula sa sunog kahit nagyeyelo na sa lamig ang lugar

- Nag-viral ang larawan ng isang bumbero sa Amerika na nagyeyelo ang mukha sa tindi ng lamig sa lugar

- Ang larawan ay kuha matapos silang tumugon sa isang sunog doon na may -50 degrees ang temperatura sa lugar

- Di napigil ang grupo ng mga bumberong ito sa paninindigan nila sa kanilang sinumpaang tungkulin kahit pa naghahalong yelo at apoy ang kanilang sitwasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hinangaan ang mga bumberong umapula sa sunog sa Wisconsin na di nagpatinag sa nararamdamang lamig at init na rin upang gampanan ang tungkulin.

Ayon sa CNN, pumalo kasi ang temperatura sa naturang lugar ng negative 50 degrees kaya naman nang kunan ng larawan si Mitch Hansen, ang chief ng fire department na kasama sa pagsugpo ng apoy, talagang magyeyelo maging ang bigote nito.

Natupok kasi ng apoy ang buong bahay ngunit laking pasalamat nila na walang nasaktan at madali naman nila itong napatay.

Hindi raw naging madali ang pagpatay nila ng apoy ayon sa Assistant Chief na si Bimbo Gifford.

Maliit lamang daw silang team na umapula sa sunog at mahirap ding gumalaw sa tindi ng lamig at bigat na rin ng kanilang kasuotan.

"It's tough. We're a small team of volunteers but we're careful and trained," he told CNN. "When it's that cold you just can't move," ayon kay Glifford na siyang kumuha ng larawan sa kanilang chief matapos ang kanilang misyon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"The sun got out and I looked at Mitch and he was all lit up," said Gifford. "Every hair on his face was lit up, his clothes frosted. I said to myself 'I gotta take a pic," dagdag pa niya.

Ayon naman kay Hansen, challenging ang ginawa nila dahil sa literal na apoy at yelo ang kanilang kinahaharap.

Kwento pa nito, nagyelo na rin ang hose na kanilang gamit na sa una at tubig pa ang binubuga. Ngunit dahil sa lamig, nagyeyelo na rin halos ito.

Tunay na nakamamangha at kahanga-hanga ang ginawa na ito ng mga bumbero na kinakitaan ng diskarte at katapangaan sa gitna ng init at matinding lamig.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel