Batang lalaki na pinagmamaneho ng pampasaherong jeep, kinabahala ng mga netizens

Batang lalaki na pinagmamaneho ng pampasaherong jeep, kinabahala ng mga netizens

- Agaw eksena ngayon sa socmed ang video ng isang batang lalaki na malakas ang loob na magmaneho ng jeep

- Bagaman at nakakandong ito sa ama, labis na kinabahala pa rin ito ng mga nakapanood ng video

- Nakakatuwa man daw panoorin ang bata ngunit di maalis na malapit pa rin ito sa disgrasya lalo na at wala pa ito sa hustong edad para magmaneho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakamangha ang video ng isang batang lalaki na tinatayang nasa apat hanggang anim na taong gulang lamang na nagmamaneho.

Binahagi ng Trending TV ang naturang video na kuha dito sa Pinas at umani ito ng iba't ibang reaksyon.

Habang ang ilan ay natutuwa sa husay sa manibela ng bata, ang karamihan naman ay nag-alala sa kapahamakan na maaring mangyari sa kanila.

Makikitang nakakandong naman ang bata sa ama at ito pa rin naman talaga ang nagpapaandar, ngunit, ang bata ang may kontrol ng manibela.

Mapapansin din na nakuha pang manigarilyo ng ama na nangangahulugang talagang ang bata ang siyang nagmamanipula ng pagmamaneho.

Kasama rin sa jeep ang ina ng bata na nakaalalay dito at mukhang di naman kinakitaan ng pag-aalala.

Samantala, ninerbyos naman daw ang ilang netizens na sa umpisa raw ay namangha ngunit nangibabaw pa rin ang pag-aalala sa bata.

Link: https://www.facebook.com/trendingtvph/videos/372624036858951/

Narito ang ilang sa kanilang mga komento:

"nako. bawal yan baka magmumultA kayo"
"kupal etong tatay nia, aksidente sa inyo at sa kasalubong niong motorista ang hanap mo,,,kupal ka talaga,,"
"Hnd takaw disgrasya yang ginagawa nyo kuya isang gulat lng ng motor or lubak or harang sa kalsada ewan ko lng kung hnd bumaligtad yang sinasakyan nyo or makadamay pa kayo ng mga taong nasa paligid kht anong sabihin nyo batabpa din yan ung matanda nga pag di pa maxdo marunong nadidisgrasya eh anu pa kaya ang bata dadating nman sa tamang edad yan na kaya na nya na magmaneho ng sasakyan"
"Yari to ng DSWD napaka delikado eto hndi lang sa bata pati narin sa mga pasahero..."
"Talaga ba sa busy street pa kng saan marami ang sasakyan. Eh kng nagkamali mandadamay pa ng inosenteng buhay. Tsk tsk..."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel