Pagkahulog ng isang taong gulang na bata at ina mula sa ferris wheel, nakunan ng video

Pagkahulog ng isang taong gulang na bata at ina mula sa ferris wheel, nakunan ng video

- Nakunan ng sakay sa ferris wheel ang pagkahulog ng mag-inang sakay din nito

- Himalang nakaligtas ang mag-ina dahil bumagsak sila sa isang tent na nasa ilalim lamang ng ferris wheel

- Ligtas din ang apat na taong gulang na isa pang anak ng ina na kasama rin sa naturang carnival ride

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Walang nasabi ang kumuha ng video kundi "Oh my God!" nang paulit-ulit nang bigla na lamang bumagsak sa harap nila ang isang babae at anak nitong isang taong gulang.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN news, aminado ang ina na malilikot ang mga anak na siyang kinatanggal ng lock ng harang ng naturang sakay ng perya.

Sa panayam sa staff ng karnabal na si Joseph Española, pinaalalahanan naman daw nila ang mga magulang na bantayang maigi ang anak sa pagsakay sa ferris wheel.

Sa kuhang video ni Janjan Sison, kitang kita kung paano bumagsak ang mag-ina sa tent na nasa ilalim lamang ng Ferris wheel.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bukod dito, nalaman nilang nakalambitin pa pala ang isa pang apat na taong gulang na anak na nahulog din.

Sinigurong ligtas talaga ang mag-iina at dinala agad sila sa ospital upang matingnan.

Pinatigil din muna ang operasyon ng ferris wheel matapos ang makapigil hiningang insidente.

Mariing pinaalalahanan ang lahat ng magulang na gabayan at bantayang mabuti ang mga anak lalo na sa mga ganitong klaseng pagkakataon.

Ang masaya sanang bonding ng mag-iina ay nauwi tuloy sa aksidente ngunit mabuti na lamang at ligtas sila at walang nasaktan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay

Magkapatid, natagpuang magkayakap ang bangkay sa nasunog na bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel