Video ng anak na sinurpresa ang ina na di pa uli nakikita sa loob ng limang taon, nag-viral

Video ng anak na sinurpresa ang ina na di pa uli nakikita sa loob ng limang taon, nag-viral

- Nagpanggap na kaibigan ng kapatid ang anak upang surpresahin ang ina na limang taon nang di pa muli nagkikita

- Nag-viral ang post dahil sa marami ang nakaka-relate sa naturang video

- Emosyonal ang pagtatagpo ng mag-ina at wala nang ibang ginawa ang ina kundi yakapin at hagkan ang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang madamdaming pagtatagpo ng mag-inang limang taon nang di nagkikita.

Sa post ng netizen na si Divino Villanueva Capil, makikitang naka-medical mask ito at naka-shades. Ito pala ay bahagi ng pag-surpresa sa ina na kaarawan pala nang araw na iyon.

Nalaman ng KAMI na nagpanggap kasi si Divino na kaibigan lamang ng kanyang kapatid na isinama sa kanilang bahay.

May dalang pizza ang anak na marahil ay paborito ng ina. Binati niya ito ng maligayang kaarawan at nagawa pa nitong magmano ngunit di siya nakilala ng ina.

Hanggang sa buksan nito ang pasalubong na pizza ng anak at doon pinatanggal ang mask ng anak gayundin ang salamin.

Walang pagsidlan ng kaligayahan ang ina na walang ginawa kundi ang hagkan at yapusin anak. Emosyonal ang muling pagtatagpo nila at tila di pa makapaniwala ang ina na nagkita na muli sila ni Divino.

Samantala, maging ang mga netizens ay di raw napigilang maluha sa kanilang nasaksihan. Bigla rin daw kasi nilang naalala ang kanilang mga magulang.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Nakaka iyak nman..miss qo na dn nanay qo.."
"Hindi ko naintindihan pero naiyak ako"
"truly a mother's Love."
"Babaw talaga ng luha ko sa eksinang ganito"
"Grabe sarap ng may nanay...Sobrang mis na kita mama i love you so much"
"Naiyak ako duon galing mo pre keep it up..."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Related news
Gurong binibigay ang 80% ng sahod sa mahihirap, nanalo ng nasa ₱52 million

Gurong binibigay ang 80% ng sahod sa mahihirap, nanalo ng $1 million

Gurong binibigay ang 80% ng sahod sa mahihirap, nanalo ng nasa ₱52 million
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel