Binatilyong 49 na araw nang nasa dagat, nakaligtas dahil umano sa bibliya

Binatilyong 49 na araw nang nasa dagat, nakaligtas dahil umano sa bibliya

- Himalang nakaligtas at nabuhay ang isang binatilyong Indonesian na nasa laot lamang sa loob ng 49 na araw

- Naisipan na raw ng binatilyo na kitilin na ang sariling buhay ngunit naisip bigla nito ang pangaral sa kanya ng kanyang mga magulang

- Naniniwala siya na ang pananampalatay niya sa pagbabasa ng bibliya ang siyang sumalba sa kanya at manalig na makakauwi pa siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pitong linggo nang palutang lutang sa isang fish trap ang 19 taong gulang na si Aldi Adilang.

Trabaho niya ang magbantay ng lampara sa floating fish trap at di niya akalain na maanod siya papalayo, dahilan upang siya ay mawala.

Ayon sa godtv.com, wala manlang daw sagwan si Aldi kaya naman di nito napigilan ang mapalayo sa kinalalagyan.

Inanod na ang fish trap patungong Guam kung saan dumaan na ito sa Pacific ocean.

Nalaman ng KAMI na halos mawalan na ng pag-asa si Aldi. Ilang araw lang kasi ang inabot ng kanyang dalang pagkain at para maibsan ang uhaw at gutom, umiinom na siya ng tubug dagat na sinasala niya gamit ang kanyang damit.

Halos sampung barko na raw ang dumaan ngunit nakapagtataka na di raw nakit ng mga ito si Aldi.

Habang tumatagal, nawawalan na siya ng pag-asa na makauuwi pa. Humantong pa nga sa puntong nais na niyang tumalon sa dagat at magpakamatay na lamang.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit bigla niyang naalala ang pangaral ng kanyang mga magulang na sa panahon ng paghihirap, tanging ang Diyos lamang ang dapat lapitan.

Imbis na tumalon sa dagat, kinuha na lamang niya ang bibiliyang bitbit sa fish trap at binasa ito.

Noong Agosto 31, isang cargo ship ang dumaan. Patungo itong Japan at napansin nila ang kinaroroonan ni floating Aldi.

Di rin naging madali ang pagliligtas sa binatilyo dahil sa malaki ang cargo ship na maaring makapinsala sa flsh trap.

Pinaniniwalaang ang matinding pananampalataya ng binatilyo ang nagsalba sa kanya sa maaring kapahamakan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel