Julie Anne San Jose, 1 week lang at naka-move on na daw mula kay Benjamin Alves

Julie Anne San Jose, 1 week lang at naka-move on na daw mula kay Benjamin Alves

- Tila madali lang kay Julie Anne San Jose ang pagmomove-on mula sa isang break-up

- Isiniwalat niya sa isang fan na kailangan lang daw niya 1 week para maka-move on

- Mga 2 weeks ago, inamin ng Kapuso artist ang paghihiwalay nila ni Benjamin Alves

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Siguro wala ng kasing bilis kay Julie Anne San Jose sa pagmomove-on mula sa isang paghihiwalay, ayon pa sa mga komento ng mga netizens at fans.

At sa katunayan, naispatan ng KAMI ang kanyang tila proud at bulalas na magbunyag sa isang fan tungkol dito.

Ni-retweet ni Julie Anne ang isang tanong ng fan sa Twitter bilang bahagi ng kanyang #AskJulie, at ito ay sinagot niya.

Pagsiwalat pa ng 24-year-old Kapuso artist, may ka-date raw siya sa Feb. 14, na agad naman tinugunan ng isa pang fan ng paghanga dahil sa madali ito maka-move on.

Agad naman itong sinagot ng singer-actress, na may nakakawindang na rebelasyon.

Bulalas pa niya, kailangan lang daw niya ng isang linggo sa pagmomove-on, at tinapos ang sagot niya sa pamamagitan ng isang tawa.

Bumuhos naman ang samu't saring reaksyon sa rebelasyong ito ni Julie Anne.

"dun ako sa "after one week".
"edi ikaw na. "
"Thank u, next nga kasi hahahaha"
"d lang nia siguro mnahal ng sobra c ben kaya ganun"
"Kapagod din kya umiyak ng one week..
Pag lumagpas pa don bka ma dehydrated"

Una naming naispatan ang balitang ito sa PEP, at ang mga komento sa Facebook page nila.

Mga dalawang linggo pa lang ang nakakaraan, nang una naming ibinahagi dito ang pag-amin ni Julie Anne na hiwalay na sila ng 29-year-old Kapuso aktor na si Benjamin Alves.

Si Julie Anne San Jose ay isa sa sikat na mga Kapuso artists, at ngayon, makikita sa Sunday Pinasaya at Studio 7 ng GMA-7.

First runner-up din raw si Julie Anne sa Little Miss Philippines 1997 ng Eat Bulaga, at 3rd runner-up naman umano siya sa Munting Miss U ng Magandang Tanghali Bayan ng ABS-CBN, noong 1999.

POPULAR: Read more news about Julie Anne San Jose here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, tricky questions.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Teddy Corpuz breaks his silence on alleged disbandment of 'Rocksteddy'

Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’

Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel