Babaeng halos buto't balat na, tsokolate ang nagsalba sa kanyang buhay

Babaeng halos buto't balat na, tsokolate ang nagsalba sa kanyang buhay

- Anorexic at may timbang lamang na 29 kilos ang 21 anyos na si Annie Windley

- Sa tindi ng takot niyang tumaba, isang tinapay lamang na may jam araw-araw ang kanyang kinakain sa loob ng limang taon

- Sinasabing ang pagkain naman niya ang tsokolate ang nagsalba sa kanya sa kanyang mula sa eating disorder

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa unang tingin, aakalain mo talagang buto't balat na lamang ang 21 taong gulang na si Annie Windley.

Ayon sa Yahoo Philippines, di inaasahan ni Annie na hahantong sa isang eating disorder ang takot lamang niya noon na tumaba.

Nalaman ng KAMI na nabubuhay lamang noon ang dalaga sa isang tinapay na may jam bilang pagkain niya araw-araw.

Pinupuri raw kasi siya noon ng mga tao lalo na nang mag-umpisa na siyang pumayat.

Ngunit habang tumatagal, nagi itong eating disorder at tuluyan na siyang naging anorexic.

Ito ay isang kondisyon kung saan halos inilalabas na rin niya ang kanyang kinakain, dahilan upang pumayat siya ng labis.

Dahil dito, naranasan naman niyang ma-bully sa kanyang naiibang itsura.

At dahil halos buto't balat na siya, nanganib din siyang magkaroon ng sakit sa puso.

Dumating ang araw noong Oktubre 2017 kung saan natakam sa isang tsokolate si Annie.

Di niya akalain na ang pagkain niya iyon ng tsokolate ang magiging hudyat ng panunumbalik niya ng maayos na pangangatawan.

Kaya naman di na nawala ang tsokolate sa araw-araw niyang kinakain. Siyempre may kasama pa rin itong pag-iingat at kasabay na rin ng pagkain ng masusustansiya.

Sa ngayon, confident na muli si Annie dahil sa bumalik na ang tiwala niya sa kayang sarili. Payo pa niya sa kanyang instagram post "If there's even a slight chance at getting something that will mae you happy, risk it!Life's too short ang happiness is too rare..."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Video of Pokwang and Malia's epic Boracay adventure goes viral

Video of Pokwang and Malia's epic Boracay adventure goes viral

Video of Pokwang and Malia's epic Boracay adventure goes viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel