4-buwan na baby, namatay nang 2 linggong hindi palitan ng diaper ng magulang

4-buwan na baby, namatay nang 2 linggong hindi palitan ng diaper ng magulang

- Isang sanggol na nagngangalang Sterling Koehn ang pumanaw dahil sa kapabayaan ng kaniyang mga magulang na sina Cheyanne Harris, 21, at Zachary Koehn, 29

- Pinabayaan ng dalawa ang kanilang anak sa infant swing nang dalawang linggo na hindi ito pinaliliguan at pinapalitan ng diaper

- May maggots na ang diaper ng bata nang makita ng medics ang kaniyang walang buhay na katawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang 4-buwan na sanggol sa Iowa, USA na nagngangalang Sterling Koehn ang pumanaw matapos 14 na araw siyang pabayaan ng mga magulang niya sa infant seat na hindi man lang pinaliguan at pinalitan ng diaper.

Nalaman ng KAMI na ang mga magulang ay sina Cheyanne Harris, 21, at Zachary Koehn, 29.

Ayon sa report ng Daily Mail, ang ikinamatay ni baby Sterling ay malnutrition, dehydration at E. coli infection. Natagpuan ang wala ng buhay na katawan ng bata na may maggots na sa kaniyang diaper.

Si Zachary ay nasistensyahan na nang habang buhay na pagkakakulong habang si Cheyanne naman ay may laban pa sa korte.

Ayon sa ebidensya, nagdusa ng maraming araw ang sanggol bago ito bawian ng buhay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Depensa ni Cheyanne, nagkaroon siya ng postpartum depression at gumamit din siya ng illegal na droga kaya niya napabayaan ang kaniyang anak.

Si Cheyanne at Zachary, na kumikita ng $45,000 o PHP2,351,000 kada taon, ay mayroong panganay na anak na babae na dalawang taon na.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions: testing boys and girls of the Philippines for knowing some historical information. Who is smarter: boys or girls? Find out in the video! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Tricycle driver na nakapangasawa umano ng foreigner, nag-viral

Tricycle driver na nakapangasawa umano ng magandang foreigner, nag-viral

Tricycle driver na nakapangasawa umano ng magandang foreigner, nag-viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel