Babae, ibinigay ang isang kidney sa dating asawa nang mangailangan ito ng donor

Babae, ibinigay ang isang kidney sa dating asawa nang mangailangan ito ng donor

-Pagkatapos na magkahiwalay bilang mag-asawa, nanatiling magkaibigan sila Bill Henrich at Mary Zeigler

-Pagkalipas ng ilang taon ang na-diagnose ng sakit sa kidney si Bill at nangailangan ng kidney transplant

-Pagkatapos ng maraming kaanak na tinangka siyang tulungan, si Mary lamang pala ang makapagbibigay sa kanya ng ikalawang pagkakataon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

18 taong gulang pa lamang sila Bill Henrich at Mary Zeigler nang sila ay ikasal. Ang bawat isa ang unang pag-ibig ng isa't-isa.

Ngunit pagkalipas ng 24 taon na pagsasama nagdesisyon ang mga ito na maghiwalay at mag-divorce.

Ayon kay Mary habang tumatagal ay dumarami ang pagkakaiba nilang dalawa.

Sa kabila nito, nanatili sila bilang isang pamilya para sa mga anak kahit pa magkaiba na ang kanilang tinitirahan.

Ilang taon ang lumipas, muling nag-asawa si Bill at nagkaroon ng mga anak dito.

Hindi naman ito naging sanhi ng anumang hindi nila pagkakaintindihan.

Para sa kanila, mas lumaki lamang ang kanilang pamilya.

Subalit isang pagsubok ang dumating sa kanila nang unti-unting mawalan ng function ang mga kidney ni Bill.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kinailangan niya ng kidney transplant ngunit makailang beses nabigo dahil hindi siya makakuha ng match.

30 sa kanyang kaanak ang sumubok ngunit lahat ng mga ito ay hindi tumugma sa kanya.

Hanggang sa si Mary na mismo ang nagdesisyon na tumungan ang dating asawa.

Mabuti na lamang at type O ang dugo ni Mary kaya naman madali para rito ang magdonate.

Nang sumailalim sila sa operasyon, isang magandang balita ang dumating sa kanila dahil tagumpay ito.

Salamat sa malusog na kidney ni Mary na inalagaan daw nito ng husto.

POPULAR: Read more viral stories here!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter

Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?

Source: Kami.com.ph

Related news
Dani Barretto shuts down bashers of her best friend Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel