Aktwal na engkwentro ng 4 holdaper at PNP sa 1 video, maaksyon! 2 suspek, patay

Aktwal na engkwentro ng 4 holdaper at PNP sa 1 video, maaksyon! 2 suspek, patay

-Kuhang-kuha sa isang video ang maaksyong engkwentro ng apat na lalaki na dere-derecho sa isang check point

-Sakay ng dalawang single na motorsiklo ang mga suspek na napag-alamang katatapos lang mang-holdap

-Patay ang dalawa sa angkas ng mga motor at wala pang pagkakakilanlan ang mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang video na ipinakita ng PNP sa media, kitang-kita ang maaksyong engkwentro ng apat na lalaki laban sa mga pulis.

Makikita dito nang dere-derecho lamang ang mga lalaking sakay ng dalawang single na motorsiklo at hindi huminto sa check point.

Nagpaputok pa umano ang mga ito.

Nagkaroon ng habulan sa Green Meadows Avenue sa Quezon City at pagdating sa Giraffe street nagkaroon pa muli ng mga putukan.

Patay ang dalawang angkas ng mga motor na napag-alamang katatapos lang mang-holdap sa C5 road. Nakatakas naman ang dalawang iba pa.

"Nung time kasi na 'yon, nakaupo ako tapos nagse-cellphone. Tapos biglang sinabi, 'holdap-holdap ibigay mo yung cellphone.' Nakatutok sa akin yung baril tapos, sinabing bag-bag, tapos nagkacover na ako," pahayag ng biktima.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Inaagaw na sa akin yung cellphone nung dalawa. Tinutukan ako ng dalawang baril po, inaagaw na cellphone ko tapos sabi akin, 'yung bag. Binigay ko na po," ayon naman sa isa pang biktima.

Agad naman daw na nakahingi ng tulong ang mga biktima at saktong nasa lugar ang mga awtoridad.

Naitawag na rin umano sa iba pang operatiba sa lugar kung saan tumakbo ang mga suspek.

"Nagkaroon ng habulan at itinawag din uli kung saan papunta yung mga suspek na napadaan din sa nagko-conduct ng anti-criminality operation ang ating operatiba," ayon kay Superintendent Romulus Gadaoni, Eastwood Police.

Positibong kinilala ng mga biktima ang mga nasawing suspek.

Nakuha mula sa mga suspek ang perang nagkakahalaga ng P3,700 at mga cellphone.

Wala pa rin umanong pagkakakilanlan ang mga napaslang na suspek ayon sa report ng GMA News.

POPULAR: Read more viral stories here!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter

Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?

Source: Kami.com.ph

Related news
7 lovely celebs who stunned everyone at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night

7 lovely celebs who stunned everyone at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night

7 ladies who rocked the red carpet at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel