11 anyos na bata, nakalikom ng manumbas ₱1.5 million para sa matatandang wala nang pamilya

11 anyos na bata, nakalikom ng manumbas ₱1.5 million para sa matatandang wala nang pamilya

- Dala lamang ng kanyang pagkainip, nakaisip ng proyekto si Ruby Kate Chitsey para sa mga residente ng nursing home kung saan nagtatrabaho ang ina

- Kinausap lamang niya ang isang matanda roon at naramdaman ni Ruby Kate ang lungkot nito kaya nag-isip siya ng bagay na makapagpapasaya rito

- Napansin ng 'GoFundMe' page ang ginagawang ito ni Ruby Kate kaya naman tinaguriang siyang na "kid hero" at tinulungan siyang makalikom ng tinatayang $30,000 o nasa ₱1.5 million

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakataba ng puso ang ginagawa ng 11 anyos na batang si Ruby Kate Chitsey. Dala lamang kasi ng kanyang pagkainip sa lugar ng trabaho ng kanyang ina, nakaisip siya ng proyektong makakapagpasaya sa mga taong na naroon.

Nag-viral ang kwento ni Ruby Kate na binahagi ng CNN. Marami ang namangha sa kabutihang loob na ginagawa ni Ruby Kate sa murang edad.

Nagsimula raw ang proyekto sa pagkausap niya sa isa sa mga residente ng nursing home kung saan nagtatrabaho ang kanyang ina.

Malungkot ang matanda na minsan na lamang madalaw ng pamilya at ng alaga nitong aso na malapit sa kanya. Naramdaman daw ni Ruby Kate ang lungkot ng matanda at dito pumasok sa isip niya na dapat mapasaya niya ang mga ito.

Nalaman ng KAMI na dahil sa simpleng pakikipag-usap na iyon ni Ruby Kate sa matanda, nagkaroon siya ng ideya na lumikha ng Facebook page na "Three Wishes for Ruby's Residents."

Bago pa ito, isinusulat lamang muna ni Ruby Kate sa isang luma niyang notebook ang mga kahilingan ng residente.

Dito inaalam niya ang 'wishes' ng nursing house na gusto nilang makuha.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At dahil bata pa siya at di niya kaya pang bilhin ang mga kahilingan, tinulungan siya ng kanyang ina na mag-set-up ng GoFundMe account upang makalikom ito ng salapi pambili sa mga kahilingan ng mga matatanda sa nursing home.

Di inakala ni Ruby na magiging positibo ang epekto ng kanyang proyekto. Marami ang taong bukas ang puso na tumulong at umabot na sa tumataginting na $30,000 o ₱1.5 million ang kanyang nalikom para sa kanyang proyekto.

Nang malaman din ng mismong GoFundMe ang pagmamalasakit na ito ng bata sa mga matatanda, tinagurian nila itong 'kid hero."

Kung tutuusin, simple lang naman ang mga kahilingan ng mga matatandang nasa nursing home. Mula sa prutas na gusto nilang kainan, pantalon na maayos ang lapat sa kanila, libreng gupit sa buhok o maging komportableng unan at kumot na mgagamit. Dito napupunta ang pondo na nalilikom ni Ruby Kate.

Isa rin sa naisip gawin ng ina ng 'kid hero' ay ang pamamahagi ng Mc Donald's happy meal na may burger at fries para pa rin sa mga residente.

Labis naman nila itong kinatuwa lalo pa at bihira na silang makakain ng mga ito.

Di rito natatapos ang pagtulong ng bata sa mga matatandang wala na halos pamilyang nagmamalasakit. Naisip din nila itong gawin sa lima pang nursing house na pinaglilingkuran ng kanyang ina.

Tunay na kahanga-hanga ang ginawa ng mag-ina. Dahil dito, bumalik ang ngiti ng mga residente ng nursing home na dati ay nababalot ng kalungkutan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of her best friend Bela Padilla asking why she's still single

Dani Barretto shuts down bashers of Bela Padilla asking why she's still single
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel