Ina ng call center agent, di naniniwalang namatay ang anak habang natutulog

Ina ng call center agent, di naniniwalang namatay ang anak habang natutulog

- Duda ang pamilya ng call center agent na si Khia na namatay umano ito habang natutulog

- Ayon sa imbestigasyon ay awtopsiyang isiginawa, tinatayang nasa 36 oras na itong patay bago i-report sa pamilya nito at kinauukulan

- Giit ng ina ng biktima, malaki ang posibilidad na ang kinakasama nitong si Florentino Ordinario III ang siyang pumatay lalo pa at ang dahilan ng pagkamatay sa death certificate ni Khia ay 'asphyxia bystrangulation' o namatay ito sa sakal o pagtatakip ng unan sa kanyang mukha

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Durog ang puso ng ina ng call center agent na si Khia nang malaman na wala na ang kanyang anak.

Ayon sa GMA balitambayan, diskumpiyado ang pamilya ng biktima sa salaysay ng kinakasama nitong si Florentino Ordinario III na namatay umano si Khia habang natutulog.

"Sabi ko anong ginawa niyo sa anak ko? Walang umaamin. Paggising daw nila ganon na lang daw 'yung anak ko. Meron bang ganon? Paggising mo... namatay 'yung anak ko sa kandungan mo?" paliwanag ni Nanay Elvira, ina ng biktima.

Pinagtibay pa lalo ang kanilang suspetsa nang makita ang dahilan ng pagkamatay ni Khia na 'asphyxia bystrangulation'. Nangangahulugang namatay ito sa pananakal o pagtatakip ng unan sa kanya, dahilan upang di siya makahinga.

"Durog 'yung puso ko dahil siyempre anak ko 'yun... ang hirap talaga, wala na nga akong luhang iluluwa mula noong Sunday po. Hindi rin ako nakakakain. Ang sa akin lang katarungan ng anak ko. Managot ang dapat managot," emosyonal na sinabi ni nanay Elvira.

Ayon pa sa awtoridad, 36 oras nang patay si Khia nang ito'y ipaalam sa kanila.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Giniit naman ng suspek na hindi siya ang pumatay sa kinakasama. Ayon sa kanya, pinakain pa niya ito bandang alas nuebe ng gabi bago pumanaw ang biktima.

Pinagdiinan pa rin nitong namatay si Khia sa pagkakatulog.

Depensa rin ng tiyahin ng suspek, hindi raw ito magagawa ng pamangkin lalo pa at masaya pa ang mag-anak bago maganap ang krimen. Wala rin daw siyang naririnig na anumang alitan ng dalawa.

Sa imbestigasyon na sinagawa ng SOCO, imposible raw talaga na kamamatay lang ng biktima dahil iba na ang amoy nito at iba na rin ang itsura.

"Kumbaga medyo meron nang amoy, lumobo na 'yung tiyan ng biktima nung naireport sa amin," ayon kay Senior Superintendent Rogelio Simon, hepe ng Makati police.

Haharap sa kasong murder ang kinakasama ng biktima at kasamang iimbestigahan ang tiyahin at kaanak nito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory

Economic Abused mother shares victory over a case filed against irresponsible father of child

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel