Pinay OFW na inakusahan ng pagpapaligo sa alaga ng may bleach, "not guilty"

Pinay OFW na inakusahan ng pagpapaligo sa alaga ng may bleach, "not guilty"

- Dumepensa ang Pinay na si Merlyn Anao Ando, isang OFW sa Hong Kong na inakusahan ng pagpapaligo sa kanyang alaga ng may 'bleach'

- Giit ni Merlyn, ang ina ng anim na buwang sanggol ang siyang naglagay ng bleach na nakalagay pala sa bote ng shower gel ng alaga

- Walang anumang criminal record ang OFW kaya malakas ang loob nitong sabihing "not guilty" at wala siyang kinalaman sa kapahamakan ng sanggol

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inakusahan ang kababayan nating si Merlyn Anao Ando, 39 taong gulang na OFW sa Hong Kong ng paglalagay umano ng chlorox o bleach sa pampaligo ng kanyang alaga.

Ayon sa Yahoo news, Agosto pa ng nakaraang taon naganap ang pangyayaring ito kung saan uminit at namula ang katawan ng sanggol nang ilublob sa bath tub.

Ang tinuturong naglagay di umano ng bleach ay si Merlyn na mariin naman niyang Itinanggi. Ayon kay Merlyn ang mismong ina ng sanggol ang naglagay ng chlorox na nakalagay pala sa bote ng shower gel nito.

2017 nang magsimulang manilbihan si Merlyn sa pamilya ng sanggol at naganap ang insidente isang araw bago ang kanyang pag-alis sa pamilya dahil sa resignation.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sinasabing habang pinaliliguan ang sanggol ay tila aburido ang ina ng bata dahil sa pakikipagdiskusyon ni Merlyn tungkol sa kanyang pagbibitiw sa trabaho.

Hindi rin daw si Merlyn ang naghanda ng pampaligo ng bata dahil sa may kausap ito sa telepono nang inihahanda ang pampaligo sa bata.

Samantala, wala namang tinamong matinding pinsala sa bata dahil ayon sa doktor, masigla ito at walang anumang karamdaman. Nakalabas din noong mismong araw na iyon ang sanggol mula sa ospital.

Naninindigan pa rin si Merlyn na walang kasalanan sa insidente at ito pa rin ang pangagatawanan niya sa testimonya niya para sa Biyernes.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano

Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel