Kuya ng 12-anyos na ginilitan ng leeg, may nakakaiyak na post para sa kapatid

Kuya ng 12-anyos na ginilitan ng leeg, may nakakaiyak na post para sa kapatid

- Ang 12-anyos na si Myrrhaquel Singson ay ginilitan ng leeg sa bahay niya sa Caloocan

- Inilibing na ang bata, na diumano’y pinatay mismo ng tiyuhin nito

- Nagpost naman ng nakakaiyak na mensahe sa social media ang kuya ng biktima

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inilibing na ang 12-anyos na si Myrrhaquel Singson, ang batang ginilitan ng leeg sa Caloocan City.

Nalaman ng KAMI na bago siya ilibing, nagpost ng nakakaiyak na mensahe ang kuya ng bata.

Ayon sa kapatid ni Myrrhaquel na si Cols Singson, nagsisisi siya na hindi niya nailigtas ang kapatid at nagsosorry siya sa lahat ng pagkukulang niya dito.

“Hello Myr, tayong dalawa lang ang magkasama ngayon kasi umalis muna sila mama at papa para maligo sa bahay. Masosolo na kita ulit.

“Sorry talaga bunso dahil di ka man lang natulungan ni kuya sa oras na pinaka kailangan mo ako. Sana naging mabait akong kuya sayo nung buhay ka pa.

“Ngayon palang miss na miss na kita. Pasensya na kung hanggang ngayon hindi padin kita nasisilip sa kabaong mo ha, hindi pa kaya ni kuyang makita ka na hindi mo na ako mayayakap at mangingitian.

“Mahal na mahal kita bunso alam mo yan, sorry kung minsan nag aaway tayo at lagi kita nauutusan. Kung ano man ung mga bonding natin nila ate palagi, itutuloy padin namin yun at iisipin namin na kasama ka namin.

“Napakabait mong kapatid at sobrang saya ko sa 12 years na nakasama kita. Sorry sa pagkukulang ko sayo bunso, patawarin mo sana si kuya. Marami pa akong gustong ikwento sayo kaya bangon kana bunso, sobrang lungkot namin na wala ka,” sinulat ni Cols.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa pulisya, ilang beses na umamin si Urbano sa pagpaslang sa bata pero paiba-iba ito ng pahayag ukol sa detayle ng krimen.

Lalabas sa DNA testing ng damit ni Urbano kung ang dugong nakita rito ay dugo ng biktima.

POPULAR: Read more news about Angel Locsin!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions: testing boys and girls of the Philippines for knowing some historical information. Who is smarter: boys or girls? Find out in the video! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Daughter exposes father and alleged mistress on social media

Daughter lambastes father and alleged mistress

Daughter exposes father and alleged mistress on social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel