OFW sa Riyadh na di pinasahod, walang matirahan at wala halos makain sa anim na buwan, na-rescue

OFW sa Riyadh na di pinasahod, walang matirahan at wala halos makain sa anim na buwan, na-rescue

- Anim na buwang tiniis ng kababayan nating si Arnell ang hirap na dinanas niya sa Riyadh

- Pinalayas na lamang siya ng kanyang employer nang di pinasasahod

- Natutulog na lamang siya sa isang truck doon sa loob ng anim na buwan kung saan siya nasagip ng grupo ng Raffy Tulfo in action

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalunos-lunos ang sinapit ng isa nating kababayan sa Riyadh na basta na lamang pinalayas ng kanyang employer.

Dumulog na ang OFW na si Arnell Ditua sa program ni Raffy Tulfo upang humingi ng tulong na makauwi na lamang sa bansa.

Ayon kay Arnell, natapos na ang kanyang kontrata ngunit di siya pinasahod ng kanyang amo.

Ang masaklap pa, basta na lamang siyang pinalayas at natutulog na lamang siya sa isang truck upang may masilungan.

Nalaman ng KAMI na nanghihingi na lamang siya ng makakain sa mga kapwa niya Pinoy na animo'y isa siyang pulubi.

Sa tuwing sasabihin niya sa kanyang amo ang tungkol sa kanyang sahod, nagagalit na raw agad ito at pinagmumumura na siya.

Lagi raw umanong sinasabi ng kanyang amo na 'bukas' siya pasasahurin ngunit di naman daw iyon nangyayari.

Di makaalis si Arnell sa pudar ng kanyang amo dahil hawak daw nito ang kanyang passport na di rin ibigay sa kanya.

Sa kasamaang palad, di rin daw tumutugon manlang ang agency na nagpasok sa kanya na kung tutuusin ay dapat talagang tulungan siya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tinawagan at kinausap ni Tulfo si Marissa Cruz ng OWWA upang idulog ang kalagayan ni Arnell. Nilinaw nito na maari naman daw umanong pumunta na lamang ang OFW sa embahada upang mabigyan siya ng travel documents pauwi.

Depensa ni Arnell, nagawa na niya ito ngunit pinagpasapasahan lamang daw siya.

Nangako naman si Cruz na mamamagitan na sa sitwasyon ni Arnell at sisiguraduhin makakauwi na ito sa lalong madaling panahon.

Agad naman ngang nakauwi si Arnell at prinoseso na ng OWWA ang pangkabuhayan na maaari niyang gawing panimula pagbalik niya ng Davao.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Daughter lambastes father and alleged mistress

Daughter lambastes father and alleged mistress

Daughter exposes father and alleged mistress on social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel