KC Concepcion, inudyukan ang mga Pinoy na nasa long distance relationships

KC Concepcion, inudyukan ang mga Pinoy na nasa long distance relationships

- Isa sa mga happy at in love ngayon na mga happy at beautiful Pinay celebs ay si KC Concepcion

- Kamakailan ay pinakilala niya ang kanyang bagong beau na isang French national at talaga namang pinag-uusapan sila ngayon

- Naging open naman si KC sa paghingi ng payo tungkol sa LDR, pero ngayon, tila siya naman ang nagbigay payo at pagbubuyo sa mga tao na nasa pareho niyang kalagayan

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pinag-uusapan na naman ngayon ang magandang panganay ni Megastar Sharon Cuneta na si KC Concepcion dahil sa latest post nito sa kanyang social media na spotted rin ng KAMI.

Kung noong una ay si KC ang humingi ng payo mula sa mga netizens at sa 2.6 million followers niya sa kanyang Instagram ay tila may pag-uudyok na ang magandang United Nations ambassador.

Ibinahagi niya ang isang larawan nila ng kanyang French beau na si Pierre-Emmanuel Plassart at sinulatan niya ito ng isang tila hugot lines sa kanilang long distance relationshiop o LDR setup nila.

Nagtrending nga ito sa cosmo.ph, kung saan una naming naispatan ang naturang IG post ni KC.

Bungad pa ni KC sa caption:

"Life has placed us in a long distance relationship and slow internet connection."

At sinundan niya ng pagpupugay at pagkarelate niya sa mga Pinoy couples na nasa parehong kalagayan nila ni Pierre.

"I commend all Filipinos especially in this situation- from couples, to families, I understand your frustration."

Pagtatapos pa na hikayat niya sa mga Pinoy na nakakarelate sa LDR na setup.

" Kapit lang, kaya natin yan."

Kamakailan lang ay ibinahagi namin dito ang tungkol sa biglaang pagka-senti ni KC Concepcion sa kanyang post at humingi pa ng payo mula sa mga couples na nakakarelate sa kanilang LDR setup ng French Beau.

Kilalanin rin rito ang mga Pinoy celebs na nasa long distance relationships.

Si KC Concepcion ay aktibo ngayon bilang isang fine jewelry designer, ayon na rin sa kanyang mga posts sa Instagram.

Unang pinakilala ni KC ang French beau noong August last year, 2018, nang magbahagi siya ng isang napakasweet na picture together.

POPULAR: Read more news about KC Concepcion here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, tricky questions.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Coleen Garcia, umalis na sa Star Magic at nag-ober da bakod sa Viva

Coleen Garcia, umalis na sa Star Magic at nag-ober da bakod sa Viva

Coleen Garcia, umalis na sa Star Magic at nag-ober da bakod sa Viva
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel