K9 dog na may bone cancer, binigyan ng 'huling pagpupugay' ng mga kasamahang pulis

K9 dog na may bone cancer, binigyan ng 'huling pagpupugay' ng mga kasamahang pulis

- Halos siyam na taong nagsilbi sa K9 program ang asong si Tazer bago siya tinamaan ng karamdaman

- Di ininda ng aso ang bone cancer na tumama sa kanya at pinagsikapan pa rin niyang panindigan ang kanyang tungkulin

- Emosyonal ang mga nakasama niyang kapulisan na binigyan ang asong si Tazer ng 'final salute' bago ito sumailalim sa euthanasia

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masipag na aso si Tazer na isang K9 dog ng Newberry Township Police. Umabot ng halos siyam na taon ang pagsisilbi niya sa k9 program.

Ayon sa LadBible, napansin di umano ng handler ni Tazer na si Sergeant Chris Martinez ang pananamlay nito. Dahil sa masiglang German Shepherd si Tazer at nanibago si Martinez, dinala agad si Tazer sa beterinaryo.

Laking gulat ng doktor na malubha na pala ang sakit ni Tazer at di nga niya akalain na makakikilos pa rin ang aso na di naman umiinda.

Tinamaan ng bone cancer ang aso, dahilan para siya ay mabulag at bahagyang mapilay.

Ayon pa sa York Daily Record, di raw talaga nagpakita ng pagkatalo sa kanyang sakit si Tazer na responsable pang sinasagawa ang kanyang trabaho.

Kung tutuusin, napakasakit magkaroon ng ganitong klaseng karamdaman dahil sa buong katawan talaga ang tatamaan nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"He was not limping, he was not showing any indication he had bone cancer, and bone cancer hurts. But Tazer, true to his spirit, just continued to be Tazer."

Dahil dito, isang mahirap na desisyon ang dapat nilang gawin at ito ay ang pagsasagawa ng 'euthanasia' o mercy killing upang matapos na ang paghihirap ni Tazer.

Ngunit bilang si Tazer ay bahagi ng maayos na serbisyo ng Newberry Township Police, binigyan ng pagpupugay ang aso ng kanyang mga kasamang pulis.

Binigyan ng final salute si Tazer habang hinahatid ito papasok sa Hartman's Valley Green Veterinary Hospital upang isagawa ang pagkitil sa kanyang buhay.

Emosyonal ang mga pulis lalo na ang mga nakasama ni Tazer sa K9 program. Di napigilan ng mga ito na tumulo ang kanilang luha sa pagpupugay sa masipag na aso.

Maging ang beterinaryo na tumingin kay Tazer ay di naiwasang maluha sa ginawang send-off ng mga pulis para sa pinakamamahal nilang aso.

"The overwhelming respect that all these police officers from all these different departments showed... It was very much a traditional police ceremony. The fact that Tazer walked right alongside Officer Martinez, through the corridor into the exam room... It was incredible the level of Tazer's strength, stamina, spirit. For him to walk when he had bone cancer in both rear legs, that was incredible," paglalahad ng beterinaryo.

Nakatanggap din ng dalawang Medals of Valor, isang meritorious award at apat na commendations si Tazer.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Isabelle Daza, ipinaliwanag ang tunay na rason sa nag-viral na kontrata para sa mga kasambahay

Isabelle Daza, ipinaliwanag ang tunay na rason sa nag-viral na kontrata

Isabelle Daza, ipinaliwanag ang tunay na rason sa nag-viral na kontrata
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel