Sila pala dapat yun! 7 Pinoy stars na nawalan daw ng mga roles sa teleserye

Sila pala dapat yun! 7 Pinoy stars na nawalan daw ng mga roles sa teleserye

Sa mundo daw ng telebisyon, lalong lalo na sa mga soap operas, wala raw final hanggang umere ang proyekto sa small screen.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At ito raw ay totoo sa casting sa mga roles ng teleserye, kung saan umano ang mga pagbabago ay hindi maiiwasan.

Napag-alaman ng KAMI ang 7 Kapuso at Kapamilya stars na ito na nawalan o pinalitan umano ang kanilang mga papel sa mga teleserye.

Ito raw ang nangyayari pag ang isang aktres o aktor ay umayaw sa isang role, o kailangan umanong mag back out dahil daw sa mga personal na mga rason, ani pa ng PEP.

Meron din daw iba na hindi na sumali sa final project kahit umattend na sila sa story conference o tapos na sa mga look tests.

Ilan daw sa kanila ay pinalitan kahit na nakita na sila sa mga teasers ng naturang TV series at minsan raw ang ibang mga stars ang nag back out dahil sa may mas maganda na opportunities o dahil daw sa mga story revisions.

1. Marian Rivera

Kapuso Teleserye: The Rich Man's Daughter

Role: Jade Tanching

Replaced by: Rhian Ramos

Reason: "due to her delicate condition" with her first pregnancy

Ani pa umano ni Marian Rivera:

"Kapag may nangyari sa anak ko, hindi ko mapapatawad ang sarili ko."

2. Angel Locsin

Kapuso Teleserye: MariMar

Role: Marimar Perez-Santibañez / Bella Aldama

Replaced by (apparently): Marian Rivera

Reason: Dahil daw pumunta si Angel sa London para mag-aral ng fashion design

Binalita umano na bet ang dating reyna ng Kapuso teleserye na si Angel Locsin para sa naturang role pero ani pa ng GMA-7 di pa daw ito na-ooffer sa aktres.

At kalaunan ay nabalita na pupunta ito sa London para mag-aral.

3. Alden Richards

Kapuso Teleserye: Sherlock, Jr.

Role: Sherlock "Jack" Jackson Jr

Replaced by: Ruru Madrid

Reason: "Na-offer talaga siya sa akin pero I don't know what happened, parang there's been a change in story," saad pa umano ni Alden Richards.

4. Yen Santos

Kapamilya Teleserye: Because You Love Me

Role: A triathlete character

Replaced by: Kim Chiu

Reason: Nag back out raw si Yen dahil ayaw daw niya siya ang magiging cause ng delay dahil kailangan niyang matotong lumangay, at napag-alaman na takot daw ang aktres sa tubig.

Ipinakilala si Yen Santos bilang ang leading lady nina Gerald Anderson at Jake Cuenca para sa naturang teleserye pero dahil daw sa pag back out ng ngayon ay Halik teleserye aktres, na cancel ang show.

At ginawa naman daw nila Gerald at Jake ang Ikaw Lang Ang Iibigin, kung saan nabuhay muli ang Kimerald.

5. Meryll Soriano

Kapamilya Teleserye: Mara Clara (2010)

Role: Susan David

Replaced by: Mylene Dizon

Reason: Dahil daw noong panahon na iyon ay mayroong "ongoing conflict" raw ang ama ni Meryll na si Willie Revillame sa ABS-CBN. Bilang suporta sa ama raw, hindi niya tinanggap ang role.

6. Angelu de Leon

Kapamilya Teleserye: Mara Clara (2010)

Role: Alvira del Valle

Replaced by: Dimples Romana

Reason: Naka "oo" na raw si Angelu de Leon sa offer ng GMA-7 at ito ang Sisid.

7. Derek Ramsay

Kapamilya Teleserye: Reputasyon

Role: Henry Aragon

Replaced by: Rayver Cruz

Reason: Kailangan daw niyang i-turn down ang naturang role dahil nakapag yes na umano siya sa dalawang pelikula, No Other Woman at Praybeyt Benjamin, na ipapalabas habang on-air na ang naturang teleserye.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, tricky questions.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Tatay, pinatay ang buntis na asawa at 2 anak para makasama ang kabit

Tatay, pinatay ang buntis na asawa at 2 anak para makasama ang kabit

Tatay, pinatay ang buntis na asawa at 2 anak para makasama ang kabit
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel