Gurong namumuhay mag-isa, sinurpresa ng mga estudyanteng tinuring na siyang ina

Gurong namumuhay mag-isa, sinurpresa ng mga estudyanteng tinuring na siyang ina

- Isa ang gurong si Evangeline Alcantara na nagbigay ng buong buhay niya sa kanyang propesyon

- Mahigit tatlong dekada siyang nagtuturo sa Tenement Elementary school

- Bagaman at wala siyang pamilya, may mga estudyante naman siyang tinuring siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa si teacher Evangeline sa mga guro na maituturing nating bayani sa kanilang propesyon dahil sa pagmamahal nila sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Mahigit 30 na taon na siyang guro sa Tenement Elementary School sa Taguig na nagsilbing pangalawang tahanan niya.

Ayon sa panayam sa kanya ng progrmang iJuander, pamilya talaga ng mga maestra ang kanilang sina Evangeline bilang lima sa kanilang pitong magkakapatid ay pawang mga guro.

"Pasensyosa" raw umano si teacher Evangeline. Di raw basta ito nagagalit at talagang marami ang ang natutunan ng kanyang mga estudyante sa kanya.

Sa tagal niya sa kanyang nahal na propesyon, naging co-teacher pa niya ang dalawa sa naging estudyante noong nasa ikaanim na baitang pa ang mga ito.

Kwento pa ni teacher Evangeline masaya ang buhay niya bialng guro dahil pakiramdam niya, siya ay bumabata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Lingid sa kaalaman ng iba na pag-uwi ni Evangeline sa kanyang unit na bigay ng goyerno ng Taguig, namumuhay lamang siyang mag-isa.

Dahil dito, naghanda ang kanyang mga co-teacher ng surpresa para sa maituturing nilang huwarang guro ng kanilang paaralan.

Kasama sa simple ngunit makabuluhang selebrasyon para kay teacher Evangeline ang mga dati niyang estudyante na tinuring na rin siyang parang ina.

Labis na tumatak sa kanilang puso ang mga natutunan nila kay teacher Evangeline. Kaya ngayon na sila ay propesyunal na, di parin nila nakalimutan kung paano nahubog ng kanilang pinakamamahal na guro ang maayos nilang buhay ngayon.

Walang pagsidlan ng kaligayahan si teacher Evangeline dahil sa mga estudyante at kasamahan niya sa trabaho na nagpahalaga naman sa kanya sa loob ng mahigit 30 na taon na pagtuturo.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Daughter exposes father and alleged mistress on social media

Daughter lambastes father and alleged mistress

Daughter exposes father and alleged mistress on social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel