Mosque sa Zamboanga city, pinasabog gamit ang granada

Mosque sa Zamboanga city, pinasabog gamit ang granada

- Pinasabog ang isang Mosque sa Sitio Logoy Diutay, Barangay Talon-talon sa Zamboanga city

- Dalawa ang patay habang 4 naman ang sugatan sa naturang pagsabog

- Ito ang pangalawang pagsabog na naitala sa Mindanao sa loob lamang ng linggong ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling nabulabog ang Mindanao ng isang pagsabog na naganap naman sa Zamboanga city.

Ayon sa ABS-CBN, bandang alas dose ng hatinggabi nang ma-implantahan ng granada ng dalawang di pa nakikilalang lalaki ang mosque sa Sitio Logoy Diutay, Barangay Talon-talon.

Dalawa ang naitalang patay habang apat naman ang sugatan.

Nalaman ng KAMI na ang mga biktima at mga pinuno ng kanilang relihiyon mula pa sa Basilan na natutulog nang mangyari ang pagsabog.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang grupo na nasa mosque nang mga oras na iyon ay nasa lugar upang magturo ng Islam sa mga kabataan.

Hinihilang malaki ang posibilidad na ito ay kaugnay pa rin ng pagsabog sa simbahan sa Jolo noong Linggo, Enero 27 kung saan 21 ang naitalang namatay habang 100 naman a ng sugatan.

Maaalalang inako na ng Islamic State militants ang pag-atake sa Jolo kaya naman di raw malayong sila rin ang gumawa nito sa Zamboanga ayon kay Chief Supt. Emmanuel Licup ng Regional Police.

Isa rin sa hinihinalang suspek sa mga pagsabog na ito ay ang sub-group ng Abu-Sayyaf na Ajang-ajang ayon sa mga militar.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Daughter exposes father and alleged mistress on social media

Daughter exposes father and alleged mistress on social media

Daughter exposes father and alleged mistress on social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel