Guro, pinagsasaksak ng dating nobyo sa gitna mismo ng kanyang klase

Guro, pinagsasaksak ng dating nobyo sa gitna mismo ng kanyang klase

- Patay ang isang guro sa Iligan matapos itong pagsasaksakin ng dati niyang nobyo

- Nagawa pang patakbuhin ng guro ang kanyang mga estudyante upang di na madamay ang mga ito

- Nakipagrelasyon sa iba ang guro para lubayan na siya ng suspek na mayroon na palang asawa at anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Walang awang pinagsasaksak ang gurong nakilalang si Cheryl Dologuin, taga-Iligan city ng kanyang dating nobyo.

Ayon sa ABS-CBN news, bigla na lamang pumasok sa klase ang suspek at sinigurong mapapatay ang 36 taong gulang na dati niyang nobya.

Nagawa pa umanong patakbuhin ng guro ang kanyang mga estudyante upang di na madamay ang mga ito sa nangyayaring kaguluhan.

Nalaman ng KAMI na nakipaghiwalay umano ang biktima sa dati niyang nobyo nang malaman na mayroon na pala itong asawa at mga anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kwento pa ng ina ni Dologuin, nakipagrelasyon sa iba ang kanyang anak upang lubayan na siya ng suspek at pamilyado na nga ito.

Nakatanggap pa umano ng mga pagbabanta ang biktima sa text mula sa suspek kung di raw ito makikipagkita sa kanya.

Samantala, magsasawa na ng operasyon ang Iligan city Police upang matugis ang suspek.

"Mayroon tayong follow-up or police operations para mahuli ang suspek at mapanagot sa kaniyang ginawa," ani Chief Inspector Jovanie Cabusas.

Mahaharap sa kasong murder ang suspek sa pagpaslang sa guro.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Aktwal na video ng pagsanib sa 1 bata! 16-anyos na pinatay umano, nagpasaklolo

Aktwal na video ng pagsanib sa 1 bata! 16-anyos na pinatay umano, nagpasaklolo

Aktwal na video ng pagsanib sa 1 bata! 16-anyos na pinatay umano, nagpasaklolo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel