Guro sa Mindoro, matyagang tinuturuan ang grupo ng mananayaw na walang pandinig

Guro sa Mindoro, matyagang tinuturuan ang grupo ng mananayaw na walang pandinig

-Kilala sa husay at talento ang Mindoro H.I Dance Troupe na binubuo ng mga mag-aaral na may hearing impaired

-Sa tulong at tyaga ni teacher Rhodora, nagagawa nilang kalimutan ang kapansanan at sumayaw sa ritmo

-Kaya naman laking-pasasalamat ng mga ito sa Panginoon at kay teacher Rhodora

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binuo ng tyaga at pagpupursige ang Mindoro H.I Dance Troupe o Mindoro Hearing Impaired dance troupe.

Ito ay grupo ng mga estudyante mula sa Oriental Mindoro National High School na walang pandinig.

Binuo ito ni teacher Rhodora Barojabo, Master teacher 2 sa nasabing paaralan at guro sa MAPEH.

Nais iparating ni teacher Rhodora na ang pagsasayaw ay para sa lahat at wala itong pinipili.

Kaya naman kahit na hirap ay matyaga niyang tinuturuan ang bawat isa.

Sa pamamagitan daw ng mirror type na pagtuturo kung saan magkakaharap sila at gagayahin ng mga ito ang kanyang galaw.

Nakakatulong din ang pagbibilang upang makuha ng bawat isa ang step.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nararamdaman din daw ng mga ito kung minsan ang ritmo ng tugtugin na kanilang sinasayaw.

Malaki ang pasasalamat ng mga estudyanteng ito kay teacher Rhodora dahil nagagawa nilang sumayaw ngayon na dati ay inakala nilang hindi nila kakayanin.

Para naman kay teacher Rhodora, katumbas ng pagmamahal ng isang ina ang kanyang nararamdaman sa bawat sayaw at galaw na kanilang natatapos.

Dahil dito, pinarangalan siyang Bayaning Gurong Pilipino noong 2009.

POPULAR: Read more viral stories here!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter

Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?

Source: Kami.com.ph

Related news
Daughter lambastes father and alleged mistress

Daughter exposes father and alleged mistress on social media

Daughter exposes father and alleged mistress on social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel