Bangkay na nabubulok, inireklamo dahil ‘di maipalibing ng kinakasama

Bangkay na nabubulok, inireklamo dahil ‘di maipalibing ng kinakasama

-Inirereklamo na ng barangay ang nangangamoy na bangkay na nakaburol sa kanilang lugar

-Kaya naman humingi na ng tulong ang kinakasama ng nasawi sa Bitag dahil ang kumpanyang may pananagutan sa kanila, deadma na umano

-Kaya naaman agad itong inaksyunan ng programa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Wala nang iba pang magawa ang complainant na si Vivian Estrella kaugnay sa bangkay ng kanyang kinakasama na inirereklamo na ng kanilang barangay.

Noong Enero 8 pa daw kasi nang dalhin at iburol sa kanila at hanggang sa noong Enero 18 na dumulog ito sa Bitag ay hindi pa ito naililibing.

Nabubulok na ang bangkay kaya naman masangsang na ang amoy nito.

Nang kausapin naman nila ang kumpanyang pinagta-trabahuhan ng kinakasama ay nangako naman daw ito ng tulong sa kanila.

Ngunit hindi na umano nagparamdam sa kanila ang may-ari ng JCI Builders na si Jaime Illescas.

Nang puntahan naman ito ng team ng programa ay nagkarooon ng kaunting pagtatalo. Hindi rin humarap ang may-ari na si Illescas.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Wala rin umanong alam ang mga tauhan na inabutan ng Bitag team.

Ipinakausap na lamang sa team ang isang representative ng Con Jorge-Com lnd Insurance Company na may hawak sa kaos ng biktima.

Ngunit sa huli ay pumayag din ang insurance company ng kompanya na magbigay ng kalahati sa halagang napagkasunduan nito para sa biktima.

Pumayag na rin ang insurance company na to-follow na lamang ang mga requirements na kanilang hinihingi.

Pagkatapos nito ay sinamahan na ng team si Estrella para mailibing na ang kinakasama.

POPULAR: Read more viral stories here!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter

Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?

Source: Kami.com.ph

Related news
Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel