OFW, biglang nakipaghiwalay sa asawa; Mister, umiyak na tumakbo kay Tulfo

OFW, biglang nakipaghiwalay sa asawa; Mister, umiyak na tumakbo kay Tulfo

-Iyak ng iyak ang mister na si Edwin Reyes na dumulog kay Raffy Tulfo upang humingi ng tulong

-Sabi ni mister, nakikipaghiwalay na daw kasi sa kanya ang asawa na isang OFW

-Sagot naman ng OFW, katuwaan lang at pinagtripan lamang niya ang mister na makulit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umiiyak pa ang mister na si Edwin Reyes nang dumulog sa programang Wanted sa Radyo upang humingi ng tulong.

Reklamo nito, nakikipaghiwalay na daw kasi sa kanya ang asawa na si Mildred Reyes, isang overseas Filipino worker (OFW).

Napag-alaman ding noong October pa ito huling nagpadala para sa pamilya. Mayroon na silang apat na anak.

Nang makausap naman ni Raffy Tulfo si Mildred, natawa na lamang ito sa inireklamo laban sa kanya.

Anito, pinagkatuwaan lamang niya ang mister dahil sa kakulitan nito.

Gusto na daw kasi siyang pauwiin nito sa Pilipinas.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Inamin naman nito na noong October pa ito huling nagpadala dahil tinulungan daw niya ang kanyang magulang.

Hinala pa ni Mildred, masama daw ang loob ng asawa sa pagtulong sa pamilya.

Dinepensahan naman ni Tulfo si Edwin tungkol sa pagtulong ni Mildred sa magulang.

Maaari naman daw tumulong ngunit huwag pabayaan ang sariling pamilya lalo pa at mayroon silang apat na anak.

Sumang-ayon naman ito at nangakong magpapadala na ito.

POPULAR: Read more viral stories here!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: I am Hungry | HumanMeter

Human meter conducted a social experiment to test out people's generosity and kindness. Click play and find out who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece?

Source: Kami.com.ph

Related news
Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel