Inaksyunan na! Raffy Tulfo, gumawa ng konkretong aksyon sa kaso ng seaman cadet na 1 buwang nawawala
- Lumapit na sa tanggapan ng Raffy Tulfo in Action ang pamilya ng seaman cadet na isang buwan nang nawawala dahil umano sa kawalang aksyon ng shipping company
- Hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Idol Raffy at ginawa ang mga unang hakbang para maka-kontak ng mga ahensya ng gobyerno na makakatulong sa pagresolve ng kaso ng nawawalang seaman cadet
- Tinawagan ni Idol agad ang Maritime Industry Authority para sa mas konkretong aksyon sa kaso ni Galorio
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sa unang ulat ng KAMI naireport kung paano dumulog sa Tulfo in Action ang pamilya ni Seaman Cadet Kristoffer "Bryle" Galorio upang humingi ng tulong na malaman ang nangyari sa 20-anyos na kadete.
Isang buwan nang nawawala
Maaalalang Dec. 26, 2018 huling nakausap ng ina ang masaya at excited na si Bryle, dahil makakapunta na siya ng Honolulu, Hawaii.
December 28 nang wala nang naging communication ang ina sa anak. Ininform na rin sila na di alam kung saan na ang bata.
Isang buwan na ang nakalipas, wala pa rin konkretong balita kung ano na ang nangyari kay Bryle.
Aksyon ni Idol Raffy
Unang tinawagan ni Idol Raffy si Arcenio Linggad II, OIC Deputy Admin for Planning, Maritime Industry Authority.
Sabi una ni Linggad, viniverify pa daw nila ang database ng mga seaman at chini-check ang pangalan.
Sinabihan ni Tulfo si Linggad na dapat imbestigahan ang insidente dahil nung nakausap ng pamilya ang crew, sabi ng tiyahin ay parang na-brief talaga ang mga ito. Pare-pareho mga sagot.
Ni-request ni Tulfo kay Linggad na kontakin mga kinauukulan sa Hawaii dahil doon nangyari ang insidente ng pagkawala.
Sabi ni Tulfo dapat kontakin na ang FBI at Hawaii Five-O.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
BW Shipping Lines
Nakausap muli si Gina Virtusio, representante ng BW Shipping Lines at inulit ni Tulfo ang sinabing hindi maipaliwanag ng mga kasamahan paano nawala ang bata.
Nakikipag-coordinate daw nang mabuti ang shipping lines sa pamilya ni Galorio.
Patuloy ang imbestigasyon sa kaso ni Galorio.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Care for some "pampa-good vibes"? Watch our Ariana Breathin Low-Budget Parody | HumanMeter On KAMI YouTube Channel
Source: KAMI.com.gh